CHAPTER EIGHTY FIVE

9 0 0
                                    

AFTER THAT

Naghuhugas ako ng pinggan dahil nagluto sila kanina kaya ako na ang naghugas ng lumapit si Cheska at dala ang isang baso.. nanaman.

Pangatlong balik niya na ’yon, tiningnan ko siya ng seryoso. “Girlfriend ka pala ni Dilim.” agad nadagdagan ang inis saakin ng tawagin niya si Dark na Dilim.

“Why are you calling him lik―”

“He told me to call him that..” natawa naman siya ng mahina sa reaksyon ko. “Kidding.”

Agad ko ngang hinawakan ang labasan ng tubig sa gripo dahilan para tamaan ang mukha niya, ayos lang na mabasa ako dahil dito naman ako nakatira, but this bítch!

“Aaahhh!” sigaw nito.

“Ooopss. Kidding!” sabi ko saka nginisihan siya, mabilis naman na lumapit si Dilim saamin at kumunot ang noo nito ng makita ang basang-basa na damit niya.

“What‘s going on―”

“It’s okay Chef.” sabi nito na kinataas ng isang kilay ko. Humarap ’to saakin. “Sorry, Miss, I didn’t mean to offend you. Masyado ko lang hinahangaan si Chef Dilim.” agad napakuyom ang kamay ko.

“You should go home, Cheska.” sabi niya at sinenyasan ang ibang student nito na tumango naman.

PAGKAALIS nga nila ay nilapitan ako ni Dilim at nakacrossed arms na ito habang nakatingin saakin. “Why did you do that?” tanong niya.

“Ang alin?” painosenteng tanong ko saka tinapos ang paghuhugas at iniwan siya don, sinundan naman niya ako.

“You didn’t know what you do? Nag-asal bata ka nanaman kanina.” mahina pero mariin niyang sabi.

“That bítch likes you―”

“And so, and please, watch your mouth, girlfriend.” sabi niya at huminga ako ng malalim.

“Sorry. But it seems to me that girl name Cheska, may gusto ito sa’yo―”

“And so, wala akong pakialam sa kung anong nararamdaman niya, hindi ko siya gusto.” sabi nito.

“Okay.” sabi ko at naglakad papuntang kuwarto ko. Nakakainis, dahil alam ko naman sa sarili ko na mali ’din talaga ang inasta ko kanina kay Cheska pero may something din talaga sa bruhildang ’yon.

At mas nakakainis dahil hindi ako kinatok man lang ni Dilim para makapag-usap kami, napuyat tuloy ako kakaiyak sa diko malaman na dahilan. Totoo ba ang sinabi ni Dilim, nagaasal-bata nanaman ba ako? Bumabalik nanaman ba pagiging selosa ko, ganito naman kasi lagi, sinusungitan o minamalditahan ko ang mga umaaligid kay Dilim nong nasa College na ito.

Required naman siguro itong feelings ko di ‘ba? Natigilan naman ako ng may kumatok, hindi ko sana bubuksan pero may kumatok muli.

Pagkabukas ko ay nakita ko si Dilim na nakaligo na. “Bakit di ka pa nagaayos? Hindi ka papasok?” tanong niya at umiling ako saka naglakad papunta sa kama ko at nahiga saka nagtalukbong ng kumot.

Naramdaman ko ang pagupo niya sa gilid ko at inalis ang kumot saakin. “Mahal, halika nga dito.” sabi niya at umiling ako pero hinila pa din niya ako kaya naman eto ako at nakasandal nasa dibdib niya at di nagmumulat.

“Sorry about last night, alam kong mali ako sa nasabi ko sa‘yong nagiisip bata ka nanaman pero.. dapat alam mo sa sarili mong nagkamali kasa inasta mo kay Cheska.” sabi nito.

“Ayoko. May something sa babaing ‘yon.” sabi ko at huminga siya ng malalim.

“Wala ka bang tiwala saakin? Kaya nagseselos ka ng ganiyan―”

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon