CHAPTER SIXTY SEVEN

18 0 0
                                    

Ilang araw na akong di pinapansin ni Dilim, na yung kahit nakakasalubong ko siya ay no effect lang. May problema kaya ang kumag na 'yon? Baka nag-away nanaman sila ni Ate.

Hindi kaya?

Ah bahala sila. Wala akong pake, sabay flip nong hair ko pero... Makakasalubong ko uli siya at as usual, busy-busyhan sa kaniyang 'Mumu' komiks nito. Hmp! "Dilim!" tawag ko pero nilagpasan lang niya ako. Huh?

Di ba niya ako narinig? Naka-earphone nanaman siguro 'yon? Lalapitan ko na sana siya ng mabangga siya ng isang junior high school at agad itong napayuko sa paraan ng pagtitig ni Dilim sa kaniya.

Habang pinagmamasdan ko siya para siyang yung power ni Helcurt.. yung sa ML na kapag andyan na siya dumidilim na yung paligid juskoo.

Umalis na badtrip si Dilim. Napahinga nalang ako habang hawak ang dibdib ko.

At saka ko naman nakita si Ate na nagbabasa lang din sa waiting shed, perfect match talaga sila ni Dilim, mahilig mag-basa.

Tumakbo ako at tumabi sakaniya. "Bakit?" tanong nito ng di tumitingin.

"Nag-away ba kayo ni, Dilim?" tanong ko at kumunot naman ang noo niya saka tumingin sakin. "Huh?" sabi nito kaya tiningnan ko naman ang paakyat na si Dilim papunta sa classroom nila ni Ate.

"Bakit beast mode siya? At saka ilang araw ng hindi namamansin yon eh." nakanguso kong sabi habang nakayakap sa braso nito at kumibit-balikat lang siya na kinasimangot ko naman.

"Hindi naba talaga kayo magbabalikan?" tanong ko at umiling ito.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Edi ba girlfriend kana niya." sabi nito at nakatingin lang siya sa binabasa niya.

"Ate, hindi ba sinabi ko naman sa'yo na set up lang namin 'yon–"

"Dani... Dark and I are okay. We're good, we're friends now, no need to push it." sabi nito na kinasimangot ko.

"Bakit ganon, sayang naman." sabi ko sabay hilig sa balikat niya.

"Paano na si Dilim?" tanong ko.

"Dark has you." pagkasabi niya non ay napanguso ako.

"Si Ate naman eh–"

"Ang ibig kong sabihin, andyan ka naman na.. friend niya, di ba? Sige na, nagbabasa pako, suyuin mo nalang si Dark." sabi nito at kumunot naman ang noo ko pero diko nalang pinansin, mamaya nalang, tinatamad pako.

Pagdating nang oras ng BREAK TIME ay naisipan kong puntahan ang favorite spot nam–ko at baka makita ko si, Dilim, don pero wala.. nasaan yon? Bakit wala siya?

Nag-stay lang ako doon baka parating na siya pero natapos nalang ang oras ng BREAK TIME wala pa din ito. Huminga ako ng malalim at babalik nalang sana ako sa classroom ng makita ko ito na nakahiga sa bench at inuunanan ang bag niya habang nakatakip sa mukha nito ang Komiks niya.

Hindi naman siya dyan natutulog ah?? Bakit andyan siya? Nakakainis, bahala kasa buhay mong Dilim ka!!

Pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko at nilapitan ko siya at inis na hinablot ang Komiks na nasa mukha niya at marahas naman siyang napaupo at maninigaw sana ito ng makitang ako 'yon. "Ano?! Wala kang balak pumasok ha? Hindi porket matalino kasa klase pwede kang tatamad-tamad!" sigaw ko at inis na hinagis sa paahan niya ang Komiks at naglakad na palayo dito pero.. huminto ako at tiningnan muli siya.

Tumayo na ito at sinukbit ang bag saka walang ganang nag-lakad. "Ingay mo panget." sabi nito at nilagpasan na ako.

Napangiti nalang ako saka sinundan siya at agad tinadyakan ng mahina ang binti nito at tiningnan naman niya ako pero nagbelat lang ako saka tumakbo na palayo sakaniya.

SEDUCING MY GAY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon