Merry christmas, everyone! xRx
-
Chapter 2
Maaga ang alis namin kinabukasan para pumunta sa Bataan kung nasaan ang resort na pupuntahan. Mabuti na lang nakapagbook agad si Gabo dahil marami yata ang nagbabalak na pumunta roon.
Pwede rin naman kaming pumunta sa ibang beach resorts kung hindi pwede sa Las Casas Filipinas De Acuzar.
We will spend three days in Bataan, hindi kami mananatili sa Las Casas at pupunta sa iba pang pwedeng puntahan sa probinsiya. Sa unang araw ang pamamasyal namin sa Las Casas.
Tuwang-tuwa ako na kumpleto kaming magpipinsan. Masaya na ako sa ganito kahit ayaw nilang umuwi sa Pampanga, at least nagkakasama kami kahit papaano.
Panay ang tawanan at picture namin ni Aianne. Kami ang magkasundo dahil sabay na lumaki at magkasing-edad pa bukod sa kaming dalawa lang ang babae sa magpipinsan.
"Nasa Pampanga na pala sina Mikee?" Aianne asked while she's scrolling on her phone. "Nagpicture sila sa orchard nila."
Tumango ako. Naalala ko ulit si Jansen. Hindi ko alam kung nakikilala niya ako o hindi. Hindi ko pa siya nakakausap kailanman. Madalas kaming magkita sa mga okasyon pero palagi silang may kasamang mga babae.
"So magkikita kayo?" Aianne looked meaningfully at Elli.
Umiling ito. "Sasabay ako sa inyo pa-Manila pagkatapos nito. Hindi na ako uuwi sa Pampanga."
"Hindi ka ba muna sasama sa kampanya?" tanong ni Chad.
"Maraming tauhan si Dad para doon." malamig na tugon ni Lex. "Uuwi kayong lahat kaya magpapasama ako kay Kuya."
"Except me!" taas-kamay ni Aianne.
"Hindi rin ako magtatagal sa Pampanga. Sasamahan ko rin si Ai." dagdag ni Vlad.
Bumuntong-hininga ako. Wala naman din kaming magagawa. May mga valid reasons naman sila.
"Bata ka pa ba? Matanda ka na, Lex. Hayaan mo na si Elli dito." si Gabo.
"Mag-aasikaso rin ako ng mga documents, bro. Lilipat na ako roon. Mukhang maayos naman na si Mommy."
Umiling si Gabo at hindi na nagsalita pero halata sa ekspresyon niya na hindi niya gusto ang desisyon ng mga kapatid. Sa aming magpipinsan, siya ang pinaka-inaasahang tutulong sa pamilya at susunod kina Tito sa politika.
Hindi ko lang sigurado kung gusto niyang gawin iyon dahil Architect siya sa isang kompanya. Hindi pa naman siya pinepressure dahil maaga pa at mukhang magtatagal pa ang mga nakakatanda sa kanilang mga posisyon.
"Sino-sino ang sasali sa liga, kung ganoon?" tanong ko nang maalala iyon.
"Ako, si Gab, at ikaw," sagot ni Chad. "Tayo lang din ang tutulong sa kampanya."
"Go, guys." Aianne cheered with no enthusiasm.
Ngumuso ako. Well, that's fine. Tama naman si Lex na marami namang tutulong pero matutuwa si Tito kung susuportahan siya ng mga anak.
We went to a local night bar somewhere in the province at night. Pwede kaming manatili na lang sa Las Casas pero gusto ng mga pinsan ko na mas maraming makitang mga tao.
Nagtawanan sina Vladimir habang nag-uusap sa kung sinong na-spot-an na babae. I shook my head.
Playboy rin ang mga pinsan ko pero hindi ganoon kalala kumpara sa mga Montellano at sa mga pinsan ko sa Sioco. They talk to girls but their relationships last long, for like... one week or so. Maliban kay Chad na himala na nagtagal sila ng girlfriend niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Teen FictionPosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...