Chapter 24
"Naku, e 'di ba may history na si Don ng atake sa puso? Sana umayos na ang kalagayan niya sa Maynila!"
Nagtiim bagang ako at hindi na dapat papansinin ang usapan pero nagpatuloy sila. Hindi ata nila alam na naririnig ko sila dahil malapit lang sila sa akin.
"Totoo ba 'yong usapan na may anak daw sa labas si Gov?" singit ng isa pa.
"Hindi ko alam pero iyong balitang iyon daw ang dahilan kung bakit inatake si Don."
"Naku, problema na naman ito sa eleksyon! Ganito rin noong nakaraan, hindi ba? Kukuwestiyunin na naman ang pagiging mabuting asawa ni Gov na pinapakita niya sa mga tao."
"Baka totoo naman kasi na hindi siya mabuting asawa? Inamin niya naman noon na nagkaroon nga siya ng kabit, hindi ba? Nakakabilib nga si Ma'am Mayette kasi tinanggap pa siya."
Kinagat ko ang labi para magpigil. Gusto kong depensahan si Tito Edgar pero hindi ko alam kung totoo nga ba ang usapang iyon. Ngayon ko lang ito narinig pero parang narinig ko na kagabi at wala lang ako sa sarili.
Hindi ko alam kung totoo ngang may anak si Tito Edgar sa labas. Ayaw kong kumpirmahin iyon dahil hindi iyon ang dapat kong iniisip sa sitwasyon ngayon.
"Tama ka. Siguradong masakit kay Ma'am Mayette iyon kasi best friend niya pa ang naging kabit ni Gov. Pero 'di ba, ang usapan, si Ma'am Mayette lang ang nagpilit sa sarili niya kay Gov?"
"Ay naku, hindi ko rin alam, mare! Ang kuwento lang ng nanay ko, magkakaibigan daw ang mga 'yan pati ang mga anak ni Madame Angelina. Pati sina Shiela at Rosechelle."
"May tinatago palang lihim ang mga Ranillo. Ang akala ko pa naman perpekto sila."
Unti-unti akong nagagalit. I don't get mad when people talk about us because it is understandable since we're in politics but it feels like they're judging us. Alam kong nagkamali si Tito noon, at siguro ngayon, pero sigurado akong natuto na siya at tinatama niya ang mga pagkukulang niya.
Lumapit sa akin si Lex at napatingin sa kanila dahilan ng pagtigil nila sa usapan. Nahihiyang bumati ang mga ito at umalis. Binalewala iyon ni Lex pero ramdam kong narinig niya ang mga sinabi nila.
"I'm sorry about what happened yesterday," aniya. "The problem should only be within our family. Hindi na dapat kayo nadamay."
Tumango ako at tipid na ngumiti. "It's alright. We are family, Lex. Your problems are our problems."
Umiling si Lexan sa akin. "No, Anya. It's our problem only. Si Dad ang may kasalanan ng lahat ng 'to. He keeps making mistakes."
Nakita kami ni Vlad at lumapit sa amin. Ang iba kong mga pinsan, abala sa pagtulong sa mga magulang namin. Inaalalayan ni Chad si Lola na kanina pa nag-aalala.
"I really hate him. I hate him so much. Sinisira niya ang pamilya." dagdag ni Lexan.
Nagkatinginan kami ni Vlad. I didn't say anything. I don't want to blame anyone for this but I understand Lexan.
"Hindi alam ni Tito na ganoon, Lex. He was shocked too." si Vlad, para siguro pagaanin ang kalooban ni Lex.
"We're not sure about that, dude. Baka nga tinago lang niya 'yon para isipin ng mga tao na bumabawi nga talaga siya."
Suminghap si Lex at marahas na hinawi ang buhok. Kitang-kita ang pamumula ng mga mata niya.
"I'm so disappointed. I thought he's changed. Hindi pa rin pala. I can't stand him." kalmado ngunit mariin niyang sinabi. "Pagdating natin sa Manila, hindi na ulit ako babalik dito."
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Teen FictionPosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...