Chapter 37
Naabutan ko si Lolo sa sala nang makapasok ako sa mansion. Tumikhim ako at pinilit na ngumiti. Mabuti na lang napunasan ko na ang luha ko habang papanhik sa mansion.
"Galing ka ba sa site?" si Lolo nang magmano ako.
Tumango ako. Pinapanood niya ako habang umiiwas naman ako ng tingin.
"Magpapahinga na po ako, Lo. Magpahinga na rin po kayo. Si Lola?"
"Nasa palayan." Nagtagal ang tingin niya. "May problema ba, hija?"
"Wala po... Sa kwarto ho muna ako." sabi ko at umambang aalis.
"Balita ko nandito raw si Jansen. Siya pala ang architect sa project ninyo? Nabanggit ni Miguela."
"Ah, opo..."
Hindi ako makatingin nang diretso kay Lolo pero pansin ko ang paninitig niya sa akin. Tipid akong ngumiti at muling nagpaalam para makapagpahinga na.
Hindi ako nakatulog nang maayos sa kakaisip sa naging pagtatalo namin ni Jansen. Inaamin kong gumaan ang pakiramdam ko nang sabihin ang lahat ng iyon sa kanya.
It somehow made me feel light. Siguro dahil naibuhos ko na lahat ng sama ng loob at sakit na naramdaman ko na bitbit ko ng ilang taon.
Sana lang sundin niya ang gusto ko. I don't want to be involved with him anymore. We're better off if we don't see each other. Sa tuwing nagkikita kami, naaalala ko lang ang sakit na nararamdaman ko. Magkakasakitan lang din kami dahil alam kong gusto niyang maghiganti sa ginawa ko sa kanya.
Besides, Lolo still don't like him. May girlfriend din siya. I think everything is better if we're not together.
Inaamin kong hanggang ngayon... may nararamdaman pa rin ako sa kanya. The time we had during that summer was not enough. Pakiramdam ko nabitin ang relasyon namin kaya hanggang ngayon, gusto ko pa rin siya. Idagdag pa na matagal kong pinigilan ang sarili na magustuhan siya nang tuluyan dahil bawal.
Oo, gusto ko siya pero mas mabuti siguro na magkalayo kami. He's still mad and I am, too. Pareho kaming galit sa isa't isa at magkakasakitan kami dahil doon.
We're both bruised and pained. We're still both wrapped by the trauma and pain that we caused to each other. Mas mabuting lumayo na kami sa isa't isa para tuluyang makahinga sa bigat ng nararamdaman namin. We need to heal from everything.
Hindi agad ako nagising dahil sa mga iniisip. Nagmamadali ako habang inaayos ang mga gamit at naglalakad papunta sa hapag nang makarinig ng tawanan.
It seems that there are other people. Sa mga normal na umaga, kami-kami lang ang nasa hapag. Lolo, Lola, ako, sina Papa at Mama lang. Madalas tahimik bukod sa pangungumusta ni Lolo sa mga trabaho nina Papa at Mama.
Mukhang may bisita ngayon. Hindi naman ako sinabihan ni Gabo o ni Chad na sasabay sila ngayon.
Nasagot ang tanong ko nang makalapit sa hapag. Likod pa lang at haba ng buhok, nakilala ko na agad si Jansen. Pansin ko ang malaking bouquet ng bulaklak sa katabing upuan niya na siyang madalas kong inuupuan.
"I'm happy for them. Kailan daw ang kasal?" si Mama.
"Sa mismong araw ng fiesta raw po."
When I heard the voice, nakumpirma ko na kung sino. Umamba akong babalik sa kwarto pero napatingin sa akin si Lola. Napansin iyon ng iba at bumaling din sa akin.
Nagkatinginan kami ni Jansen. Seryoso siya at naghihintay ng reaksyon ko. Nagtiim-bagang ako sabay iwas ng tingin.
"Good morning po..." bati ko sa mga nakakatanda, wala nang nagawa kundi ang lumapit.
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Ficção AdolescentePosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...