Chapter 35

170 5 0
                                    

Chapter 35

Isa-isa na kaming umalis nang makapagdesisyon na. Tumunog ang phone ko at hinalungkat iyon sa aking sling bag habang naglalakad sa hallway papunta sa elevator.

Clarge and Jansen are still talking in the conference room. Pupunta ako sa opisina ng pinsan ko para itanong kung bakit nandito ang lalaking iyon.

"Hey," si Dino pagkasagot ko. "I heard you're in Manila. Dinner?"

"Wala ka bang date ngayon?"

Sumakay ako sa elevator. Natanaw kong naglalakad na rin papunta rito sina Jansen. Our eyes met. I quickly tapped the close button.

"You're my date, Anya." humalakhak siya.

"Okay. Magkita na lang tayo. Kakausapin ko pa si Clarge."

"Sure. See you!"

Ilang minuto din ang hinintay ko sa opisina ni Clarge. Tumayo agad ako galing sa pagkakaupo sa sofa nang pumasok siya.

"You're still here?"

"May itatanong lang ako."

Sinundan ko siya sa kanyang desk. Umupo siya sa kanyang office chair at bumaling sa akin.

"Bakit si Jansen ang pumalit? Wala na ba silang ibang architects?"

"As what I told earlier, Jansen volunteered. May mali ba? I think it's good because he's more experienced and credible."

"Then why did he volunteer? Baka pinaki-usapan mo? Para magpagood shot sa mga pinsan ng girlfriend mo?"

"Come on, Anya, I don't mix my personal relationships with work."

Humalakhak ako sa sinabi niya. Really? Hindi totoo!

"Nagvolunteer si Jansen. S'yempre malalaman niya na lilipat si Mr. Abanzon ng project. Abala yata ang lahat ng architects nila kaya siya ang nagpresinta." Clarge smirked at me. "I didn't ask him, alright. He volunteered. I don't know what's the reason why."

"You know what happened between us."

"I know that. Well you said earlier that SGHR do not mix personal connections with business relationships. I assume you can tolerate his presence. Besides, hindi naman kayo madalas magkikita dahil may mga ibang project pa siya."

Ayaw ko nang mapaglaruan ulit ako pero pakiramdam ko... nakakainis!

Nakasimangot ako nang bumaba sa lobby. Paalis na ako para makipagkita kay Dino.

Sumulyap ako sa wrist watch ko at nakitang gabi na pala. Bukas na lang siguro ako uuwi dahil baka gabihin pa ako lalo sa dinner namin ni Dino.

"Magkikita po kami ni Dino..." sabi ko kay Kuya Rico para magpasundo na.

Bumagal ang lakad ko nang nasa lobby na. Natanaw ko si Jansen na kausap ang kanyang team. Napabaling siya sa akin nang mapalapit ako sa kanila.

"You're meeting Dino?" aniya nang lalagpasan ko na sila.

Kumunot ang noo ko. Narinig niya siguro ang sinabi ko. Why is he asking?

Umalis siya sa mga kausap at lumapit sa akin.

"You should be careful with Dino. He already has a girlfriend. If you don't want to be involved with issues-"

Umismid ako at ngumiti din. Kanina pa binabalot ng iritasyon ang ulo ko dahil sa kanya.

"Oh, thanks for your concern but don't worry. Hindi naman ako magiging kabit-"

"I'm just saying this because your cousins are my friends-"

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon