Chapter 9
Hindi nga ako nagkamali. Pagdating sa bahay, tumunog agad ang phone ko.
Jans Montellano:
Nakauwi na ba kayo?
Umismid ako at tinago ang phone. I actually find it funny. Gumagawa pa ng dahilan, e, halatang-halata naman.
Hindi ko siya rereply-an. Tulad ng pangako ko kay Lolo, hindi ako makikipaglapit sa kanya. Sa una lang naman ito. Kapag nagsawa siya sa kakatext na walang reply, titigil din. Maybe he's just bored.
"Do you think Kuya Edgar has moved on?" narinig kong tanong ni Mama kay Papa.
Nasa sala kami at hinihintay ang mga kamag-anak. Maaga pa naman pero late sila sa madalas na oras ng kanilang pagpunta.
Sina Tito Ram, mahuhuli dahil hindi agad nagising si Chad at mag-aayos pa lang habang si Tito Edgar, may pinagtatalunan daw silang dalawa ni Tita Mayette sabi ni Gabo. I think it's about the issue years ago.
"Hindi naman niya pipiliin si Mayette kung hindi, Miguela. Bakit? Ano ba ang tingin mo?"
Binaba ko ang aking phone para mag-angat ng tingin sa kanila. Mabuti na lang nasa labas sina Lolo at kausap ang mga tauhan. Lolo is sensitive when it comes to this topic. Muntik na kasing matalo si Tito Edgar noong nakaraang eleksyon dahil sa usaping ito.
Alam ko ang pinag-uusapan nina Mama. I was incoming Grade 10 when it happened. It was the very crucial time of the family. Maraming nagalit, nanghusga, at nanira sa aming pamilya dahil sa pagkakamali ni Tito na ilang taon na ang nakalipas.
It affected the whole family. Pinaka-apektado si Tita Mayette dahil sobra siyang nasaktan. Gabo, Elli, and Lex were affected too. Iyon ang dahilan kung bakit pinili ni Elli na mag-aral dito ng college at pinili ni Lex na lumuwas ng Manila.
They hated their father for his mistake. Mahal nga lang ni Elli ang ina kaya umuwi rito, pero si Lex, hanggang ngayon hindi pa rin yata napapatawad ang ama.
I sometimes think about it. Kung ako ba, kakayanin iyon? Kung magkamali si Papa, kakayanin ko ba? I don't think so. I would be very devastated, lalo na ako lang mag-isa. At hindi malabong mangyari iyon dahil ipinagkasundo lang sina Mama at Papa. Swerte lang na nahulog sila sa isa't isa.
I will never tolerate cheating. It is a sin. It is unforgivable. That's why I'm amazed of how Tita Mayette accepted Tito Edgar, even with that mistake. Pero siguro, hindi niya iyon maiiwasan, lalo na kapag napapag-usapan iyon. I can see that she's still hurting by it, and they're still fighting about it.
Malalim ang buntong-hininga ni Mama. Malungkot siya habang iniisip iyon dahil naapektuhan din siya kahit paano.
"I don't know. I can see that he loves Mayie but what if he meets..." umiling-iling si Mama at bumuntong-hininga ulit. "I don't know. I'm just wondering."
"You should believe Kuya. Nagkamali siya pero bumabawi naman ngayon. Nahihirapan lang maniwala si Mayette."
"It's because they say first love never dies. Do you believe in that?"
Humalakhak si Papa at inakbayan ang asawa. "I don't. I believe in last love, which is you."
"Binobola mo lang yata ako."
Nagtawanan sila. Napangiti ako at pinagmasdan silang nag-uusap.
I don't know much about their love story except for the fact that they were arranged to marry. Mama made a mistake when she was young and she's from the Sioco clan, who takes good care of their reputation and name. But despite that they were a product of a pragmatic marriage, my parents fell in love with each other and are still in love until now.
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Teen FictionPosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...