Chapter 19

160 6 0
                                    

Chapter 19

Ngayon, aaminin ko sa sarili ko ang totoo. Aaminin kong nagugustuhan ko na si Jansen. I don't know why and how because he's really not my type and I never liked him but now, I realized that I'm slowly liking him.

He's comfortable to be with. Hindi siya nauubusan ng kuwento. He will always make you comfortable with his smiles. There's something in him that is light and warm.

"Sabi ni Kim may mga artista raw na darating sa mismong fiesta?" tanong ni Jansen habang nagpapakilala ang mga kandidata.

Ni hindi man lang siya tumingin sa stage. Sa akin lang siya nakatingin at interesadong-interesado sa bawat usapan namin.

Inilipat ko ang tingin sa stage at tumango. "May santacruzan sa fiesta. Magiging kapareha ng artista ang mananalo sa pageant na ito."

"Kasali rin daw kayo roon?"

Tumango ako. "Isinali kami ni Lolo."

"Oh, okay..." sandali siyang sumulyap sa stage nang mahiyawan ang mga pinsan niya pero muli ring tumingin sa akin. "Are you close with your grandparents?"

"Yup, very close."

"No doubt. Palagi kang nasa tabi niya."

Tumango ako. Dahil sa usapan, napatingin ako kay Lolo na nakatuon ang atensyon sa stage.

"I will never fail him. I love him so much." wala sa sarili kong sinabi.

Hindi nagsalita si Jansen. Tumitig lang siya sa akin. Ngumiti ako at ibinalik ang tanong niya.

"What about you? I'm sure you're close with Lola Ange."

"Uh-huh. Pareho tayo." ngumiti siya.

"But you grew up in Manila?"

"Lumuluwas sina Lola kapag may okasyon. We also always call her when we're free."

"Is she also the reason why you decided to spend your vacation here?"

"Yes, she's one of the reasons. Nagustuhan ng mga pinsan ko ang lugar noong hinatid namin si Jake. Baste and Jett are looking for someone too. May gusto ring makita si Mikee, I'm sure you know who."

Tumango ako. Nasa Manila naman ang hinahanap ni Mikee.

"Ikaw? Wala kang hinahanap?" tanong ko.

Ngumisi siya. Umiwas ako ng tingin nang maramdaman sa ngisi niya ang sasabihin.

"Wala pero may nahanap ako." sabay titig sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. I pursed my lips. Dapat pala hindi na ako nagtanong.

Halos hindi ko masundan ang nangyayari sa pageant dahil nag-uusap kami. Nagulat na lang ako na patapos na pala iyon at kinokoronahan na ang nanalo.

"Kainis, ah! Bakit nanalo 'yan?" narinig kong reklamo ni Kim. "Hindi naman siya maganda! Iyan ang ipapartner kay Piolo?!"

Tinignan ko si Angel Lopez na kinokoronahan bilang Miss Rosarian. Kaklase namin siya noong high school at matagal nang iritado si Kim sa kanya.

"She's not even pretty! Sinabihan ko na si Kuya na huwag magbigay ng mataas na score d'yan, e. Baka naman hindi sinunod ang sinabi ko?!"

"You don't sabotage the pageant, Kim." sabay tawa ni Mikee.

"Kung sumali si Gwen, siguradong siya ang mananalo." si Chad.

"Duh! Of course! Walang palag 'yang si Angel kay Gwen! Nakakainis! Bakit 'yan ang nanalo? She doesn't deserve it."

Tumawa si Jansen at lumingon sa kanila. "E 'di ikaw sana ang sumali para ikaw ang nanalo."

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon