Chapter 6
Abala kami sa buong linggo pero inasahan ko na iyon. Tuwing umaga, dumadayo kami sa iba-ibang bayan para mangampanya at pagdating ng hapon naman, maglalaro kami para sa liga. It was tiring yet it's also fun. Ganoon ang magiging schedule namin hanggang sa eleksyon.
Natutuwa ako tuwing nakakakilala ng mga bagong tao at nalalaman ang pamumuhay nila. I was touched by their own stories. I also learned to appreciate the small things I have.
Hindi na namin hinayaang sumama sina Lolo at Lola sa pangangampanya lalo na sa mga malalayong lugar. Nagkasundo kami na isasama na lamang siya kapag malapit ang lugar na pupuntahan at walang masyadong tao.
"Eto, travel-travel lang. Wala namang masyadong magawa dito. Namimiss ko na nga d'yan." kuwento ni Esther sa aming video call.
Ngumuso ako. "Why don't you study college here?"
"Gusto kasi ni Dad na sa Manila ako magcollege. Ikaw, bakit hindi ka na lang mag-aral dito?"
"Alam mo naman na hindi ko talaga kayang iwan sina Lolo. Atsaka kuntento na ako rito sa probinsya."
"Mukhang hindi na nga kami makakapunta riyan. Ipapa-alaga na lang ang mansyon. Ayaw umapak ni Lola sa Pampanga."
Bumuntong-hininga ako. "I understand."
"Sana dito ka na lang mag-aral, Anya. Miss na miss na kita!"
Ngumiti ako. "We'll see each other kapag napapasyal kami riyan."
"By the way, nariyan pala ang mga Montellano para magbakasyon? Ate told me."
Tumango ako. "Yup. They'll stay here for the whole summer. Kasali rin sila sa liga."
"Oh... Bumalik ba riyan si Gwen?"
"Hindi." kumunot ang noo ko. "Nand'yan siya sa Manila. Hindi mo pa ba siya nakikita?"
"Hindi pa. Malaki ang Manila. Saka baka abala siya sa mga entrance exams. Iniisip ko lang kung nagkita na ba sila ni Jake. Sayang silang dalawa."
"Girlfriend na ni Jake si Ate Elena, 'di ba?"
"Yup. I just hope he's moved on. Kawawa si Ate kung sakali. Mahal na mahal niya si Jake noong high school pa sila."
"Jake is a natural playboy like his cousins. Sana nga nagbago na siya pero mukhang imposible yata dahil ganoon pa rin ang mga pinsan niya."
"Kahit nand'yan sila?" tumawa si Esther. "Bakit mo nasabi? Pinormahan ka ba?"
Napakurap-kurap ako at hindi agad nakasagot. Someone entered my mind but I immediately ignored it. Ramdam ko ang motibo niya pero hindi ako sigurado. I don't want to assume anything because I'm following Lolo. Wala rin namang saysay kung papansin ko iyon.
"Meron?!" nanlalaking mga mata ni Esther nang natagalan ako sa pagsagot. "Sino sa kanila?! Is this another Ranillo liking a Montellano?!"
Umirap ako at sinamaan siya ng tingin. "Wala, ano ka ba! Hindi naman ako magpapaporma!"
"Are you sure about that? Naku, ang daming kaibigan ni Ate Elena na nagpapatulong daw sa kanya na makalapit sa mga Montellano! Malakas ang hatak ng mga 'yan sa mga babae. Baka 'pag kinausap ka, ma-in love ka agad."
Nasamid ako sa sinabi niya at nanlalaki agad ang mga mata. Masyado naman itong advanced mag-isip!
"What the hell are you saying, Es? Hindi naman iyon mangyayari dahil ayaw ni Lolo!"
Humalakhak siya. Iniba ko na lang ang usapan para hindi na siya mang-asar. Kalaunan ay natapos ang tawag namin at wala na akong gagawin.
Weekends ngayon kaya walang laro at kampanya. May mga pagkakataon na kailangan naming mangampanya pero hindi iyon madalas. Wala akong gaanong ginagawa tuwing weekends maliban sa asikasuhin ang mga matatanda pero kapag nagpapahinga na sila sa kanilang kwarto, wala na ulit akong gagawin.
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Teen FictionPosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...