Chapter 31
Malaki ang pasasalamat ko kay Dino sa nangyari. If it weren't for him, baka kung ano nang nangyari sa akin. I was so afraid and helpless. Unang beses na nangyari iyon sa akin.
Hindi ko na 'yon pinaalam kahit kanina. I also asked Dino to not mention it to anyone, lalo na sa mga pinsan ko. Hindi ko rin sinabi kung bakit ako nandoon at kung sinong nagpapunta sa akin.
Somehow I felt angry at myself. Galit din ako kay Jansen. Hindi ko inisip na kaya niyang gawin iyon sa akin. Whether he meant it or not, he's an asshole for making me go to that bar alone. Bakit ba hindi pa ako nakinig kay Esther? Siguradong sinasadya niya nga ito. Gusto niyang maghiganti!
Sobrang sakit ba ng ginawa ko sa kanya at gusto niyang iparamdam iyon sa akin. Inisip ba niya na hindi ako nasaktan kaya ginagawa niya ito? Yes, I want to make up for the pain that I caused but I was hurt too. Hindi lang siya ang nasaktan dito, pati ako!
Talaga nga bang nasaktan siya o ang ego niya lang ang nasaktan? Dahil ba sa buong buhay niya, ako pa lang ang nang-iwan sa kanya at hindi niya matanggap iyon? Is he really hurting? Or is he just playing with my conscience?
Esther was right. I should stop this. Why did I even believe that he'll forgive me? Malaki ang kasalanan ko sa kanya at dapat akong humingi ng tawad pero sobra-sobra na akong nasasaktan sa mga ginagawa niya sa akin.
"Anong sinasabi nitong si Dino na muntik ka na raw mapahamak?" Elliot asked me after that day.
Sinulyapan ko sina Lolo at Lola na natutulog. Bigla na lang siyang pumasok sa kwarto at tinanong iyon.
Tinulak ko siya palabas. Marahan kong sinara ang pinto bago siya hinarap. He looked angry.
"Hindi naman ako napahamak... Anong sinabi niya sa'yo?"
"Hindi ka napahamak? He told me you almost got raped! What are you doing at The Tides?"
Mabuti na lang kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa ospital. Our other cousins are busy with their own problems.
"Alam din ba ni Vlad?"
"I'm asking who made you go there, Anya."
Umirap ako at hinawi ang buhok. "May kikitain lang ako-"
"Sino?"
Nagkatinginan kami. Umiling ako at hindi siya sinagot. Umiwas ako ng tingin.
"Alam kong nagkikita kayo ni Jansen, Anya. Some of my friends are talking about seeing you two."
Napatingin ako sa kanya. Nakalimutan kong nasa iisang circle lang sila at madalas na pag-usapan ang mga Montellano.
"Hindi na kami nagkikita, Elli."
"Siya ba ang nagpapunta sa'yo roon?"
"Elliot, let's not make it a big deal. Tapos na rin naman-"
"That fucking asshole!"
Pinigilan ko siya nang umamba siyang aalis. Nagmamakaawa akong tumingin sa kanya.
"Please, Elli, huwag na nating palakihin 'to. Baka umabot pa kina Lolo-"
"Hindi ka na dapat nakikipag-usap pa sa gagong 'yon, Anya! Hindi mo ba nakikita ang mga pinaggagagawa niya?!"
"Alright, I will stop! Galit din ako sa ginawa niya kaya titigil na ako! I just wanted him to forgive me!"
"That's why you let him do this to you? Anya, I don't know what happened to the both of you but he's an asshole now. Hindi mo na dapat siya kinakausap pa!"
"Please, Elli. Calm down. Ayaw kong pati kayo, magkagulo." Suminghap ako. "I will try to talk to him then I'll stop-"
"Siguraduhin mo 'yan, Anya. Lolo would be more angry if you let him hurt you."
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Teen FictionPosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...