Chapter 33
"I also got an invitation but I rejected it immediately. Pupunta ka ba?" si Aianne nang mag-usap kaming magpipinsan sa video call.
"Are you coming, Elliot?" tanong ko sa pinsan.
Tinawagan ko sila pagkatapos makita ang kabuuan ng invitation. Gusto kong malaman kung sinong pupunta sa kanila.
"Yes. Hindi ako tinitigilan ni Jake. And this time... I won't let go."
Humalakhak si Aianne. "Wow, four years ang cool off ninyo?"
"Ikaw nga six years ka nang hindi bumabalik. Tagal ng pagmomove on mo." pang-aasar ni Vlad sa kapatid.
"Don't start with me, Kuya. Wala rin namang dahilan para bumalik sa Pampanga. I'm fine here." inirapan ni Ai ang kapatid sabay baling ulit sa akin. "Ano, Anya? Pupunta ka ba? Sa makalawa na iyon."
"Everyone's coming, Anya. All of our friends will come. It's a big event." si Vlad.
"I think you should come. Gwen wants to see you. Iyon ang sinabi niya noong tawagan niya ako para piliting umuwi." giit ni Aianne. "Besides, nakakahiya naman kung hindi ka pupunta dahil nand'yan ka. Sobrang lapit mo lang."
"Would you come to Marlon's engagement party?" pang-aasar ni Chad.
"Tigilan n'yo nga ako!"
Bumuntong-hininga ako at nag-isip. Kung pwede lang na hindi pumunta, e, kaya lang nakakahiya nga kay Gwen.
We rarely see each other during the past years. Hindi man nga kami tuluyang naging malapit noong college pero mabait siya sa akin kaya nakakahiya kung tatanggihan ko ang malaking event na para sa kanya.
"Papayag ba si Lolo dito?"
"Lolo is also invited. I think he'll come too." sagot ni Gabo.
"Ayokong pumunta..."
Tumawa si Aianne. "Akala ko nakapagmove on ka na? Hindi mo pa rin kayang pakiharapin?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Look who's talking!
"May nakapagmove on ba sa pamilyang ito?" humalakhak si Lex.
"I just don't want to be involved with them anymore." sagot ko.
Wala rin akong nagawa kundi ang pumunta. Kailangan kong magdesisyon agad dahil sa makalawa agad iyon. Ni hindi ko man lang naihanda ang sarili para sa mga posibleng mangyayari.
It is a big event. Bukod sa sorpresa ito, maraming tao ang muling magkikita dahil dito. Though it is good that this big party will make everyone meet each other again, I don't know if all of us are ready for that.
Hindi handa ang lahat na makipagkita muli sa nakaraan, tulad ko. My heart beats so loud as I walked through the lawn of the Montellano mansion. Nakasunod ako kina Mama at mabagal ang paglalakad sa kaba.
"I'm so excited for this. I can't believe the children are getting married! Parang kailan lang!" si Tita Christina habang papasok kami sa mansion.
It felt unfamiliarly familiar to step foot here again. Huling tapak ko yata sa maputing tiles ng mansion ay noong fiesta, noong inatake sa puso si Lolo at hindi na ulit ako nakabalik pa. I have no reason to visit here, though. As much as possible, I wanted to be away from the Montellano clan.
Pero ngayon, nandito ako sa kanilang mansion. Kailan ba ako makakawala sa apelyidong iyan? Pati ang contractor ng SGHR, Montellano pa rin. Mabuti na lang medyo magaling naman akong umiwas at nakakalayo sa kanila.
Walang nagbago sa kabuuan ng mansion. Ganoon pa rin ang ayos ng malaking family picture nila sa gitna ng dingding na sumasalubong sa mga papasok sa kanilang double doors. May mga nadagdag na frames sa paligid nito pero halos iyon lamang ang nagbago. Even the interior is still the same, none has changed.
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Teen FictionPosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...