Chapter 1
Pumikit ako at nilanghap ang sariwang hangin ng probinsiya. I really love this place. It is peaceful and serene, with fresh wind and warm weather.
Wala akong magawa pagkatapos ng usapan tungkol sa outing kaya nagdesisyon na lang ako na maglakad-lakad. Umalis din kasi ang mga pinsan ko at wala akong makausap. Si Lolo at Lola naman nagpapahinga sa kanilang kwarto.
Dumilat ako para pasadahan ng tingin ang buong paligid. Napapalibutan ako ng mga malalawak at malalaking taniman kaya sariwa talaga ang hangin at presko pa.
Halos kulay berde ang nakikita ko dahil sa mga tanim na palay. Sa malayong banda ay tanaw ko ang mga nakahilerang mga puno na pagmamay-ari ng mga Montellano.
Tulad nila ay agrikultura din ang negosyo namin, bukod sa politika. Bago pa man pumasok sa politika ang mga Ranillo, mayroon na silang pagmamay-ari na mga lupain.
We own most of the rice fields in the province. May mga corn fields din kami pero hindi ganoon karami. Sa pagkakaalam ko, magkasosyo ang mga Ranillo at Montellano sa pagdidistribute ng mga tanim namin.
Bumibili rin kami ng mga gulay at prutas sa mga Montellano para makatulong sa kanilang mga magsasaka. Madalas kasi na tumataas ang presyo ng mga iyon kapag napupunta na sa mga supermarket at palengke kahit hindi naman ganoon kalaki ang natatanggap mismo ng mga magsasaka. Mabuti na lang maayos ang pamamalakad ni Marlon at hindi naaabuso ang mga magsasaka na nagpapakahirap sa pagtatanim.
Iyon ang dahilan kung bakit pinag-iisipan kong kumuha ng Agribusiness. I like farming. Maybe because I grew up with it at gusto ko ring tumulong sa mga magsasaka.
Our family promotes the industry of agriculture. Iyon ang pinagtutuonan ng pansin ng mga magulang namin dahil bukod sa iyon ang pangunahing kabuhayan ng mga tao dito, dapat lang na iyon ang bigyan ng pansin dahil maraming lupain ang probinsiya na pwedeng pagtaniman.
"Ma'am Anya! Naku! Maiinitan po kayo! Teka, kukuha ako ng payong!" anang isang tauhan namin nang makita ako.
Bago ko pa siya mapigilan at masabing ayos lang ako, nakaalis na siya. Bumuntong-hininga ako. Hindi ko naman nararamdaman ang init at sanay naman ako pero aaminin ko ngang pwedeng magbago ang kulay ng balat ko sa pagkakabilad sa init.
Hindi ako kasingputi nina Gabo, Lexan, at Elli. Likas na kayumanggi ang mga Ranillo. Maputi lang sila dahil kay Tita Mayette. Parehong kayumanggi sina Lolo Rafael at Lola Leona at ganoon din sina Papa.
Hindi naman masyadong kayumanggi si Mama pero nakuha ko ang kulay ni Papa. My mother is medium fair because she's a Sioco while my father has bronze tan skin that I inherited. That's why I have to maintain my skin color somehow. I like how it is, though.
Nagmamadali sa paglapit ang tauhan habang dala-dala ang malaking payong. Agad niya akong pinayungan.
Tumawa ako. "Ayos lang naman po ako."
"Naku, Ma'am Anya, masusunog po ang balat ninyo! Tirik na tirik ang araw! Wala po ba ang body guard ninyo?"
Bumaling ako sa paligid. "Nandito pero siguro nasa malayo."
"Kunsabagay, ganoon naman talaga sila. Mabuti't naparito po kayo?"
"Gusto ko lang mamasyal. Ako na rito, salamat." umamba akong kukunin ang payong galing sa kanya.
"Ay, ako na po!"
"Ako na po. Nakakahiya baka naiistorbo ko po kayo." ulit ko pero hindi niya ako pinagbigyan.
Ngumiti ang tauhan sa akin. Nagtagal ang tingin ko sa kanya habang inaalala ang pangalan niya. Marami kaming tauhan at hindi ko nakakahalubilo lahat kaya minsan nalilimutan ko. I remember her name is Ina.
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Novela JuvenilPosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...