Chapter 20
"Ayos lang kaya sina Rake?" Monica wondered while we were watching the dance contest.
Nanatili ang braso ni Keenen sa balikat ko. Kanina pa ako sumusulyap kay Jansen na nakatalikod sa amin at kinakausap ang mga pinsan niya. Kanina pa rin siya hindi tumitingin sa amin.
Ipapakilala ko sana ang mga kaibigan ko sa kanya.
"Wala siya ngayon," sagot ko.
"Umaabot sa barangay namin ang kuwento. Umuwi raw ang mama niya. After so many years, bumalik siya."
"Babe, magseselos na ako. Why are you concerned about Rake?" biro ni Josh sa girlfriend niyang si Monica.
"S'yempre naisip ko lang din. Maybe he's like that because his mother left him."
"Siguro nga isa iyon sa mga dahilan. Ang alam ko isang taon pa lang si Destine no'ng iwan sila. I wonder how she is now?" si Jasper.
Tumingin sa akin ang mga kaibigan ko. Iniisip yata nila na may alam ako dahil malapit ang pamilya namin sa mga Martinez pero wala akong alam.
Hindi kami sumasali sa mga usapan ng mga magulang. Naririnig lang namin ang mga balita kapag pinag-uusapan sa hapag pero hindi kami nagtatanong kahit kuryoso kami.
"Wala akong alam..." sabi ko at hindi na binanggit na nagkakagulo rin ang mga Tagle.
Noong mapag-usapan na umuwi si Tita Rosechelle, hindi ko maintindihan kung bakit sinabing umuwi siya para makita ang mga anak. Ngayon ko lang iyon napagtanto nang sumiklab ang mga balita. Akala ko si Christenzen lang ang anak niya.
"By the way," tumingin si Keenen na nakaakbay pa rin sa akin. "Parang may kausap ka kanina no'ng lumapit kami?"
Sinulyapan ko ulit si Jansen. Nahuli ko siyang sumulyap din pero nang magkatinginan kami, umiwas agad siya. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.
"Oo, si Jansen..."
"Jansen? Montellano?"
Tumango ako. Bumaling na ulit ako sa mga nagsasayaw sa stage.
"Oh! May hindi ka ba nakukuwento, Anya?" mapang-asar na sabi ni Monica.
Umiling ako at ngumisi. Hindi na ako nagsalita kahit na inaasar-asar nila ako. Iniisip ko pa rin ang ekspresyon ni Jansen.
Hindi bumaling sa akin si Jansen hanggang sa matapos ang dance contest. Hindi tuloy ako makasabay sa tawanan ng mga kaibigan.
"Hindi pa rin ba kayo pinapayagang pumunta sa hydro?" si Jasper bago sila tuluyang umuwi.
Binalingan ko siya matapos tignan ang mga magpipinsang Montellano na nilapitan si Lola Angelina. Natanaw kong lumapit na rin si Chad kina Lolo.
I need to talk to Jansen. I know there's something wrong. Hindi naman siya ganito.
"Hindi pa rin kami pwede." tipid akong ngumiti kahit nasa isipan ko na lang ay paano kausapin si Jansen. "Pupunta ba kayo? We'll just see each other on fiesta. Sa makalawa na rin naman iyon."
"Alright! Pupunta kami. Aabangan namin ang mga artista at ikaw!" si Monica.
"Uuwi ba si Aianne?" si Keenen.
"I'm sure not."
Kalaunan nagpaalam na rin sila. Lumapit agad ako kay Lolo para alalayan siya pero hindi mawala ang tingin ko kay Jansen na hindi pa rin ako tinignan kahit na dumaan ako sa harapan niya.
"Sinong hinahanap mo, hija?" si Lola ang nakapansin sa ginagawa ko.
Mabuti na lang hindi narinig ni Lolo dahil may kausap. Suminghap ako at umiling kay Lola.
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Teen FictionPosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...