Chapter 36
I don't know how I ended up here. I don't know why I'm sitting here in the front seat. I don't know how I ended up in this Honda Civic with Jansen.
Wala akong magawa nang igiit niyang siya na ang maghatid sa akin sa Florey, kung saan ako magfifit ng susuotin para sa pageant. I can't reject him in front of the people. Isipin pa nila na napaka-arte ko at mataas ang pride.
Diretso ang tingin ko pero gumilid ang mga mata ko nang magmani-obra si Jansen. He's wearing plain white shirt again, reason why I can fully see his flower tattoo. Ngayon, nabasa ko na nang tuluyan ang nakasulat sa ilalim ng bulaklak na tattoo niya.
Please love me. That's what the lettering says.
"Is that the same earring?" aniya habang patuloy ang biyahe namin.
Tumikhim ako at inilayo ang tingin sa kanyang ripped jeans. I noticed his body changed a bit from what I remember. His muscles are more emphasized now and his veins always protrude whenever he moves. His thighs are... thick and hard-looking.
"Pinalitan ko na." sagot ko at hinawakan ang hikaw sa helix.
"But same design?"
Sinulyapan ko siya. Although his physique matured, his dark brown hair didn't change. It's still up to his ears, having long waves. Hindi iyon nakatali kumpara sa madalas kong makita sa kanya noon pero sumisilip ang hoop earrings niya.
Bumaling siya sa akin nang hindi ako sumagot. Napalunok ako at tumingin ulit sa kalsada.
"Yes..."
Bumaba ang kamay niya sa gear. Napatingin ako doon at napansin muli ang malaking agwat ng kulay ng balat naming dalawa. His milky white hand contrasts with my bronze legs.
I distanced my legs from the gear stick. Pansin ko ang pagsulyap niya roon ngunit agad na bumaling sa daan. Tumikhim siya sabay pasada ng daliri sa kanyang buhok.
"Have you heard the news?" tanong niya at hindi pa tinuloy ang sasabihin.
"What?" sabi ko at hindi na siya muling tinignan.
"Michelle got engaged. They're planning to marry on the day of the fiesta in Pampanga."
Nagulat ako pero hindi ako nagpakita ng reaksyon. Nanatili ang tingin ko sa harapan. Ayaw ko nang tumingin sa kanya at baka mapansin pa ang lahat ng pinagbago niya.
"I'm happy for her."
Ikaw? Engaged na rin ba? O may pinopormahan kaya nandito ka pa rin? O baka... babaero pa rin at pinagsasabay ang mga babae? May side chic ba dito sa Pampanga?
I'm sure it's not Liza because she's Dino's girlfriend. Sino naman kaya?
I kept my mouth shut. As much as possible, I want this incident to be quiet. Pagkatapos nito, lalayo na ako hangga't kaya ko. Ayaw ko nang maulit pa ang nangyari noon at magkasakitan ulit kaming dalawa.
"So... did you finish college in Pampanga? Which university?"
"Don Honorio Ventura State University."
"Why didn't you try public accounting?"
Desisyon naman 'to. E, ayaw ko ngang makita siya.
"I prefer to work at SGHR."
Silence enveloped us. Nakatuon ang mga mata ko sa labas habang pansin ko ang pasulyap-sulyap niya sa akin.
"Ang pupuntahan ba natin ay para sa susuotin mo sa events ng fiesta?" he asked after a while.
Bakit ba tanong nang tanong? "Yup..."
He sighed when we finally arrived at Florey. Lumabas ako agad at hindi na hinintay ang pagbaba niya. Akala ko aalis na siya at ihahatid lang talaga ako pero narinig ko ang pagkalabog ng pinto ng kanyang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Teen FictionPosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...