Chapter 5

256 9 0
                                    

Chapter 5

Nahuli kami ng ilang minuto dahil doon. Ayaw ko talagang isama si Lolo. Maraming tao sa venue at tanghaling tapat pa. Wala na akong nagawa nang pumayag na sina Papa dahil hindi magpapapigil si Lolo.

"Don't worry, anak. May nakabantay naman na nurse sa kanya." si Mama habang palabas kami sa sasakyan.

Umiling-iling ako at bumuntong-hininga. Nginitian ako ni Lolo na bumaba na rin sa kanilang sasakyan. Marami kami kaya kanya-kanya ang sasakyan ng bawat pamilya. May mga kasama rin kaming bodyguard.

Lumapit ako kay Lolo para alalayan siya. Pinayungan siya ng bodyguard na nasa kanyang tabi. Ako naman ang nasa kabila niya. Ang nurse ay nasa aming likod.

Inaalalayan naman ni Gabo si Lola. Sa aming magpipinsan, kaming dalawa ang pinakamalapit sa kanila. S'yempre ako, dahil lumaki ako kasama sila. Si Gabo, panganay na apo at palaging inaasahan nina Lola.

Nakasunod ang mga magulang namin sa pagpasok sa gate ng visitas. Ang venue ay sa court na nasa tapat lamang ng visitas. Covered court naman iyon pero mainit sa araw na ito kaya hindi ako mapakali para kina Lolo.

"Don't worry too much about me, apo." ngumisi si Lolo sa akin.

"Ayaw ko pong mangyari ulit ang nangyari noon."

Tumawa siya. "Malusog na ako ngayon, Anya. Huwag kang masyadong mag-alala."

Tipid na lamang akong ngumiti. Kahit sabihin niya iyon, mag-aalala pa rin ako. Natatakot pa rin ako para sa kanila.

Nasa amin ang atensyon ng mga tao mula nang dumating ang mga sasakyan namin. Nagsimula na yata ang programa kanina pa pero nahinto dahil sa pagdating namin.

"Let's acknowledge the presence of the Ranillo family, our main sponsor for the fiesta!" anang MC at nagpalakpakan ang lahat.

Bakas sa mukha ni Lolo ang tuwa nang makalapit kami, lalo na nang lapitan siya ng mga tao para batiin. He is well-loved here in our province. Mababait ang mga tao sa pamilya namin, siguro dahil natulungan namin sila.

Lolo Rafael is a people person. Kaya hindi talaga namin siya napipigilan kapag may mga ganitong okasyon na maraming tao. He likes going out to talk to the people. Iyon ang namana naming lahat sa kanya.

Iminuwestra ko sa mga bodyguard si Lolo. Marami ang lumalapit kay Lolo at baka mahirapan siya sa paghinga. Kinuha ko ang pamaypay sa nurse at pinaypayan si Lolo habang kinakausap siya.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Nasa amin ang atensyon ng lahat. Napatingin ako sa pwesto ng team namin at natanaw ang pag-aabang nila, lalo na si Jansen na nakatayo at nakatingin sa akin.

Kumislap ang mga mata niya dahil sa sinag ng araw. Nagkatinginan kami. Ilang sandali akong nawala sa kanyang mata bago kumurap-kurap at nag-iwas ng tingin para bumaling ulit sa paligid.

Sumama ako kina Lolo sa mahabang table na para sa kanila. Umupo na sina Chad at Vlad sa pwesto ng team habang ako at si Gabo ang sumunod sa mga nakakatanda.

"Pahingi ng tubig, please." sabi ko sa bodyguard at inilagay iyon sa mesa ni Lolo.

Ganoon din ang ginawa ni Gabo para kay Lola. Marami pa rin ang bumabati sa kanila kaya hindi muna ako umalis. Tumayo si Angelina Montellano para batiin sina Lola.

Her beauty and elegance exude around her. She's timeless. Bakas sa kanyang mukha na kahit sa katandaan, talagang maganda siya noong kabataan niya.

Her porcelain milky-white complexion glows brightly with the light of sun. The waves of her hair flows freely over her shoulders. The three dangling earrings on her helix shows the cool side of her youth.

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon