Chapter 15

177 6 0
                                    

Chapter 15

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon na nandito si Jansen. I'm sure he's here to help but why?

Ngumuso ako habang nakahalukipkip at pinapanood siyang nakikihalubilo sa mga naka-evacuate dito sa resort. Mula pa noon, naniniwala ako na spoiled ang mga magpipinsang Montellano at sarili lang ang iniisip nila. Napatunayan ko iyon sa mga issue na naririnig sa kanila.

Although the Montellanos are humble, iniisip kong ang mga magulang lang nila iyon at sila, hindi ganoon. They are spoiled kids. Palaging napapasali sa mga isyu at gulo at walang ginawa kundi magparty sa siyudad.

But as I watch him talking to the locals, my impression of the Montellanos is... slowly changing. It's hard to believe that they are not what I think of them that they are because it's obvious when you look at them but I realized it's not about the surface.

It's about the different sides of the person and while watching him, I learned that they have this side that I'm sure they got from their parents and grandparents.

I never thought they are compassionate and empathetic but I can see it right in front of my eyes while I watch Jansen talk to the people, asking their experiences, and relating with them. Iyon ang naiisip ko habang nakatitig sa kanya.

Pinagmasdan ko si Jansen na seryosong tumatango at nakikinig sa kuwento ng isang lokal. Hindi ko pa gaanong nakakausap ang mga tao rito tungkol sa kalagayan nila dahil kakagising ko lang. Kakarating pa lang niya pero kinukumusta na ang mga tao.

Kinagat ko ang labi ko at pinaglaruan iyon habang pinapanood siya. He seems very serious and attentive to what the local is telling him. May bahid din ng awa at simpatya sa kanyang mga mata. I then wondered if this is real.

Inaamin kong pinagdududahan ko siya sa mga ginagawa niya, pati na rin ang kanyang mga pinsan. Wala kasi sa itsura nila ang tumulong tulad ng ganito.

Malayo ang agwat nila sa mga tao. They are one of the richest families in the country. Inisip kong hindi sila nakikihalubilo sa mga tao na hindi nila kapareho ng estado. Even their friends are rich as them.

Isa pa, iniisip kong may motibo ang mga ginagawa at ipinapakita ni Jansen dahil ramdam kong gusto niya akong pormahan. It was very obvious.

Mula pa lang sa pag-add niya sa akin, pagkuha ng number ko, pagsali sa kampanya... alam kong may motibo ang lahat ng mga iyon. Hindi naman ako manhid at hindi ako sumasama sa mga kalokohan ni Aianne para maging inosente. I know these things. I know these moves but I just ignore them.

Iniisip kong may motibo ang lahat ng iyon. Gustong magpakitang-gilas o magpa-impress. Iyon ang naiisip ko pero habang inaalala ang mga araw na kasama namin sila sa pangangampanya, lalo na iyong pakikipaglaro niya sa mga bata, bahagyang nagbabago ang pananaw ko sa kanya at sa kanyang mga pinsan. Lalo na ngayon na nagbigay sila ng tulong at sinadya pa niyang pumunta rito.

Dahil pa rin ba ito sa akin? O mataas ang tingin ko sa sarili ko kaya iyon ang naisip ko? Baka naman kagustuhan nga nilang tumulong at bukal iyon sa kanilang kalooban. After all, they came from the family that is humble and compassionate. Philanthropist si Lola Angelina at siguradong naturuan niya ang mga ito na tumulong sa mga tao.

Was I wrong for judging him? Mali ba ako sa pag-iisip na lahat ng ginagawa niya, para lang makuha ang gusto niya? That there's an ulterior motive for everything that he does?

Maybe yes, siguro nga nagpapa-impress siya pero... habang pinagmamasdan siya, ramdam kong totoo ang pinapakita niya sa mga tao. His expressive eyes cannot lie. I can see it through his eyes, and I can feel it while looking at them.

Napasinghap ako nang bigla siyang bumaling sa akin. Nagmadali ako sa pag-iwas ng tingin at bumalik sa pagkain. Kanina pa ako kumakain pero dahil nakitang nakikipag-usap si Jansen, napunta sa kanya ang atensyon ko.

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon