Chapter 28
"You went to Chilltop? Nang hindi ako sinasama?" inis na sinabi ni Aes kay Clark paglabas namin ng sasakyan. "Kung hindi ko pa nakita ang post ni Elena, hindi ko malalaman!"
Hindi ko sila kasabay sa pagpasok. Nagkataon lang na magkakasabay kaming dumating. Galing ako sa bahay namin habang sila, galing sa mansion.
Sinulyapan ko si Elena na kakalabas lang kasunod nina Esther at Romnick. Romnick immediately went the other way to go to their building.
"What's the problem? Nasa drag race ka naman!"
"Why didn't you invite me? Kaya pala umalis ka noong pagkatapos ng dinner! Are you not concerned about your family?"
Hinawakan ko ang braso ni Aes para patigilin siya sa pagsasalita.
She's talking about the family dinner last night. Iyon ang dahilan kung bakit tumanggi kaming sumama kina Nica sa kanilang night out.
Umalis agad si Clark kagabi pagkatapos ng dinner kahit na nagdidiskusyon pa ang mga magulang namin. Nahulaan ko nang susunod siya kina Nica dahil inaya nila si Gwen.
"Of course I'm concerned, Aes." Sumulyap si Clark sa nakasunod sa aming si Destine. "I just don't think it matters to me because for me, everything's fine. Si Ate lang itong ayaw at..."
Tumigil siya sa pagsasalita sabay tingin sa akin. Hindi na siya nagpatuloy.
"Well at least you should've invited me. Sana sinama mo na lang ako. Napagalitan din ako ni Dad kagabi, e."
"Tigilan mo na kasi 'yang drag race. That's dangerous." sambit ko.
"No way! Sanay naman ako kay Dad. Kahit anong gawin ko, may mapapansin pa rin so might as well do what I want, right?"
"Bakit? Masaya ba ang drag racing? Curious ako. Isama mo ako next time!" singit ni Esther dahilan ng pag-uusap nilang dalawa.
Binalingan ko si Destine. I noticed she's changed. Maybe because of what's happening in her life. She was energetic before, masayahin at laging nakikipag-usap.
Ngayon tahimik na lang at parang parating malungkot. I'm doing my best for her not to feel out of place but maybe she's really struggling right now.
Mahirap nga namang tanggapin ang katotohanan na biglang magbabago sa buhay mo. I wonder how much pain she's feeling right now.
"I hope you're liking it here..." sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya pero pansin ko ang lungkot sa mga mata niya. "Maayos naman dito, Anya. Naaalala ko lang ang pamilya ko sa probinsya."
"I am your family, Destine." pagpapaalala ko.
Suminghap siya at gulat na tumingin sa akin. Nginitian ko siya para ipakitang ayos lang iyon.
"I mean... sina Kuya..."
Hindi ko alam kung anong irereact ko. Medyo nasaktan ako na hindi niya ako tinuturing na pamilya pero naiintindihan ko kung bakit ganoon. She's still adjusting. Siguradong nagulat siya sa mga biglang nagbago sa buhay niya.
Bumaling si Clark sa amin. Abala pa rin ang dalawa sa pagkukuwentuhan sa mga experience ni Aes sa drag racing.
"Gwen was your classmate during high school, right?"
Tumango ako. Ganoon din si Destine. Clark smirked then ran his fingers over his hair.
Umismid ako nang makita sa ekspresyon niya ang iniisip. Mukhang alam ko na kung bakit na naman siya nagtatanong.
"Nagkaroon ba siya ng mga ex?"
"Uh..." Destine buffered then looked at me.
"I'm not sure, Clark. Sinabi ko na sa'yo na magkaiba kami ng circle of friends." sagot ko.
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Teen FictionPosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...