Chapter 25
Lolo's operation was a success. Pero kailangan niya pang manatili sa ospital para mamonitor at magpagaling.
Hindi ko na muling hinawakan ang phone ko pagkatapos kong makausap si Jansen. I turned it off so I won't be able to receive calls from anyone... from someone... from Jansen. Sa ngayon mabuti na ang kondisyon ni Lolo, dapat kong tuparin ang pangako ko sa kanya.
Pinanood ko si Lolo na nasa loob ng ICU. Kakatapos lang ng operasyon at nakahinga kami ng maluwag. I felt relieved but somehow, my heart still feels heavy. Ayaw ko nang alamin kung bakit dahil ayaw ko munang isipin iyon.
I don't want to dwell in the pain. Lalo na ngayon na iniisip ko pa si Lolo. Kailangan kong maging matatag.
"Kumusta si Mommy?" narinig kong tanong ni Mama sa phone.
Hinilamos ko ang mga kamay sa mukha. Sa dami ng mga naiisip ko, gusto ko nang sumigaw at magalit. Why is this happening to us? Bakit nagsasabay-sabay lahat?!
Lolo had heart attack. Kakatapos lang ng operasyon at kailangan pa rin siyang obserbahan. We don't know what will happen next, kung magiging maayos ba siya o baka lumala pa ang kondisyon niya.
Tito Edgar has an illegitimate child. Hindi na importante sa akin kung matagal na niyang alam o nagulat din siya sa balita. What matters to me is his relationship with his family. Tita Mayette, Gabo, Elli, and Lexan are all affected. Kalmado sila maliban kay Lex pero alam kong nasasaktan sila ngayon.
Then the elections. Dahil sa mga usap-usapan, nagdadalawang-isip na ang mga tao sa amin. Akala ko tapos na kami sa ganito noong nakaraang eleksyon pero naulit na naman. Paano kami makakatulong kung walang tiwala ang mga tao sa amin? Sira na ang pamilya namin sa kanila!
And my family... Naiipit ako sa sitwasyon. Naiipit kami ni Mama. Galit ang mga Sioco sa mga Ranillo dahil sa mga nangyari. Lalong umigting ang gulo dahil sa pagkakaroon ng illegitimate child ni Tito Edgar. Galit na galit si Lola Vicky.
Gustong-gusto ko nang umiyak pero dahil yata sa dami ng mga nangyayari, hindi ko na iyon magawa. Sobrang bigat ng nararamdaman ko dahil parehong pamilya ko ang apektado. It's not easy to be tough but I have no choice.
"You plan to bring her there? Alam mo ang reaksyon ni Mommy nang malaman niya. Kawawa ang bata kung hindi siya itatrato nang maayos d'yan!" giit ni Mama sa kausap sa phone.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong pamilya. Lahat kami naghihintay sa labas ng ICU. Tahimik at nag-aalala.
Tita Mayette is crying as well as Tita Christina. Nasa tabi nila ang mga anak na pinapakalma sila. Isa ring humahagulgol si Aianne dahil nagsisisi sa tagal ng hindi niya pag-uwi.
Lola Leona is crying restlessly. Mula noong dumating kami hanggang ngayon, walang tigil ang pag-iyak niya kahit pinapakalma na ng mga anak. Gusto niyang pumasok sa room ni Lolo pero ipinagbabawal pa ng doktor.
"Anong opinyon ni Franco dito?" dagdag ni Mama sa kausap niya.
Nagkatinginan kami nang mapalingon siya sa akin. Tipid siyang ngumiti bago naglakad palayo para hindi na marinig ang usapan nila.
I breathed out harshly. Napatingin si Gabo sa akin na nakatayo sa gilid ko. His eyes are bloodshot from worry, anger, and lack of sleep. Lahat kami ganoon ang itsura. Mga walang tulog sa sobrang pag-aalala.
"You should sleep. Umuwi muna kayo para makapagpahinga."
Matamlay akong ngumiti. "Look who's talking..."
"We're going home later. Kailangan naming mangampanya."
"Sino-sino kayo?"
Bumuntong-hininga si Gabo. Ramdam kong ayaw niyang umuwi pero sobrang lapit na ng eleksyon. Halos pitong araw na lang iyon at kailangan naming suyuin pa ang mga tao lalo na dahil sa mga usap-usapan tungkol sa amin.
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Teen FictionPosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...