Chapter 39
Inasahan ko na ang susunod na mangyayari pagkatapos ng ginawa ni Jansen. That bold move circulated everyone. Lumala ang usapan tungkol sa amin at marami na ang nagtatanong kina Mama kung ano talaga ang meron sa amin.
"Sabihin mo na magkasama lang kami sa project." sagot ko kay Chad na tinanong din ako tungkol doon.
Tinawanan niya ako. "May magkasama ba sa project na nagbibigay ng malaki at engrandeng bouquet?"
Umirap ako at hinawi ang buhok. Sinamaan ko siya ng tingin.
Maaga silang pumunta sa mansion para mambulabog. Akala nila nandito si Destine. Mamaya pa ang singing contest na judge din ako. Siguradong pupunta ulit silang lahat.
"Wala naman akong pakialam kung pag-usapan kami," pagbabalewala ko.
"At kami naman ang inuusisa. Alam mo namang marami ang gustong makaalam sa buhay mo dahil ikaw ang palaging nakikita ng mga tao. Lagi kang kasama sa lahat ng events at marami ang humahanga sa'yo."
"Kasama ba sa paghanga ang pag-alam ng mga bagay na pribado?"
"Well... There's a borderline but... people want to know things about you. Lalo na kitang-kita ng lahat ang ginawa niya. That asshole gave you a grand bouquet in front of everyone. Malamang magtataka ang mga 'yan dahil ngayon pa lang nila nakitang may kasama kang lalaki bukod sa amin."
Tinignan ko si Chad. He matured throughout the past years. Mula yata nang nagkaroon ng maraming problema ang pamilya, kasama pa roon ang paghihiwalay nila ni Sienna, naging seryoso na siya at nabawasan ang pakikipaglaro.
Nakatuon na ang atensyon niya ngayon sa VAHD, maging sina Gabo, Aianne, Vlad, at Elliot ay ganoon din. Si Gabo ang pinaka-abala sa amin dahil bukod sa VAHD, inaasikaso niya rin ang negosyong agrikultura ng pamilya. Ang mga pinsan ko na dating mapaglaro... ngayon ay seryoso na at nagmature.
"Kumusta naman ang inirereto sa'yo ni Tita?" pag-iiba ko ng usapan.
Umismid siya at hindi sumagot. Nag-iba na ang ekspresyon niya kumpara sa pang-aasar niya kanina.
"You've met a lot of times. Hindi na 'yan magiging mahirap para sa'yo."
"It will be hard for her."
"Well, their company is failing so I don't think she has a choice. Ilang taon na, Chad, at mukhang sigurado na ngang babagsak ngayon."
"I'm not a charity. Nakikiusap lang si Mommy."
"You can reject if you want..." nagkibit-balikat ako. "I don't think Tita Christina would force you."
Nagkatinginan kami ni Chad. Pinigilan ko ang pagngiti at pagtaas ng kilay nang may mahuli ako sa kanyang ekspresyon. You can't hide from me, huh.
Kalaunan naghanda na ako para sa singing contest. I have amother dress to wear again. At narealize ko na hindi pala madali ang maging judge sa mga ganitong event. Kailangan ko pang paghandaan at maging mabusisi sa mga contestants.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit kinuha ako sa singing contest. I don't know much about singing. I'm sure kinuha lang ako dahil isa ang pamilya sa mga malalaking sponsors.
Umikot ako sa harap ng salamin para makita ang sarili. Hindi tulad ng suot ko kagabi, ang suot ko ngayon ay may sweetheart neckline ngunit sheer pa rin ang palda. Hindi na nakatali ang buhok ko at sumasayaw sa ibabaw ng aking mga balikat ngunit ang bangs ay nakaclip sa magkabilang side ng ulo ko.
"Ang ganda!" si Esther na kagabi pa ako pinupuri.
S'yempre nagpicture ulit kami bago pumunta sa venue. Kay Jansen ulit ako sumakay at kinantyawan na naman kami ng mga pinsan.
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Novela JuvenilPosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...