Chapter 23

116 4 0
                                    

Chapter 23

Nanlalabo ang mga mata ko habang mabilis ang paglalakad pauwi. Hindi na ako nakapagpaalam nang maayos sa pagkakataranta. Pagkatapos sabihin ni Gabo na inatake si Lolo, lumabas na agad ako.

Suminghap ako at sinapo ang noo nang maalala si Jansen. I remember him calling me earlier but my mind is clouded about Lolo. Parang mababaliw ako!

"Calm down, Anya!" habol nina Gabo sa akin.

Umiling ako. Patuloy ako sa paglalakad nang mabilis. Patakbo na ring humahabol ang mga bodyguard na nakasunod sa amin.

Hindi ko na pansin ang mga taong nasa kalsada at nakikita akong umiiyak. Ang nasa isip ko lang ay si Lolo. Kung anong nangyari at kung anong kalagayan niya!

Para akong mababaliw. Hindi ko alam kung anong iisipin. Halo-halo na ang mga naglalaro sa utak ko at naninikip ang dibdib ko kapag iniisip na paano kung iyon ang nangyari! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko!

Pumikit ako nang mariin. Naalala kong masama na ang pakiramdam ni Lolo kanina dahil nagalit siya sa akin. Hindi ko alam ang dahilan ng atake niya pero siguradong nakadagdag ang galit niya sa akin! May kasalanan ako kung bakit siya inatake!

Lalong nanikip ang dibdib ko nang maisip na wala pa ako sa tabi niya nang inatake siya. Habang nagsasaya ako doon, may masama na palang nangyari sa kanya! Ni hindi man lang ako nakatulong!

Nanlalaki ang mga mata ko nang huminto sa harap ng gate. Lumabas ang ambulance na siguradong sakay ang Lolo namin. Sinubukan kong humarang para makasama ako pero hinila ako ni Gabo.

Humagulgol ako habang pilit na sumusunod sa ambulansya. Gusto kong makita si Lolo! Gusto kong malaman ang kondisyon niya!

"Sasama ako! Sasamahan ko si Lolo!"

"Calm down, Anya! Susunod tayo sa kanila!" si Gabo. "Chad!"

Pinagtulungan ako nina Gabo at Chad papasok sa mansion. Dumami ang mga tao siguro dahil nabalitaan ang nangyari. May mga bulungan akong naririnig pero hindi ko na inintindi pa ang mga iyon.

"Calm down, Anya." utos ni Gabo sa akin at humingi ng tubig sa katulong.

Hinabol ko ang hininga ko at pilit na pinakalma ang sarili. Nasa loob na kami ng mansyon. Pabalik-balik sa paglalakad si Tito Edgar habang may kausap sa phone

Si Lola ay humahagulgol din katulad ko at pinapakalma nina Tita Mayette, Elliot at Tita Christina.

Lumapit si Vlad sa kanila habang si Lexan naman ay nilapitan si Tito Edgar. Napansin kong namumula ang mga mata ni Tita Mayette, siguro dahil sa sobrang pag-iyak.

May kausap din si Tito Ram sa kanyang phone. Nakita kami ni Tita Christina at lumapit sa amin. Nasa magkabilang gilid ko sina Gabo at Chad na hawak ang magkabilang kamay ko, pinipigilan ako sa binabalak kong pagsugod sa ospital.

"Sina Mama?" tanong ko.

"Sila ang sumama sa ospital, kasama ang Papa mo. Susunod tayo kapag kalmado na ang mga tao rito."

"Mauuna na po ako sa inyo. I need to see Lolo," sabi ko at umambang aalis pero pigilan niya ako.

"Calm down, Anya. Malalaman din natin ang kondisyon niya. We should calm down first before we go there. Baka lalong ma-stress ang Lolo ninyo."

Narinig kong humagulgol si Lola. Lumapit agad ako sa kanya at niyakap siya.

"Rafael! Please, 'wag mo 'kong iwan!" paulit-ulit niyang pag-iyak. "Rafael!"

"Lola!"

Niyakap ako nang mahigpit ni Lola. Umiiyak na rin si Tita Mayette kahit na pinapatahan niya kaming dalawa.

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon