Chapter 38

192 5 0
                                    

Chapter 38

"Handa na ba ang lahat?" si Mama habang inaayos ko ang hikaw sa aking cartilage.

Labas pasok ang mga tauhan namin sa mansion para kunin ang mga kailangan. Ngayon ang araw ng feeding program namin sa Santa Ana. Naka-schedule na ito sa akin kaya hindi ako nakapunta sa opening ng restaurant ni Lex na ngayong araw din gaganapin.

I wonder if my cousins will go, especially Aesthenette. Mukhang matatagalan pa ako bago makabalik sa Manila dahil sa mga gawain dito sa probinsya.

After this feeding program, I still have the pageant, singing contest, the other events, and the fiesta. Kasal pa ni Mich at ng mga kaibigan ko. Idagdag pa ang construction ng Cabin Royal na kailangan kong tutukan dahil unang project ko.

Tumunog ang phone ko sa tawag ni Clark. Sinagot ko iyon habang pababa ng hagdan. Agad kong nakita ang asul na Honda Civic na nakapark sa labas.

"Hey," si Clark sa kabilang linya.

Bumuntong-hininga ako bago sinagot ang pinsan. "Hey, napatawag ka?"

"Do you know where Jansen is? His cousins are looking for him."

"Bakit sa akin mo hinahanap? Tawagan mo."

"That's why I called you. Hindi niya sinasagot!" sabay tawa. "Magkasama raw kayo palagi, ah?"

Umirap ako. Umamba akong sasakay sa sasakyan nina Mama pero sinenyasan nila ako na sumabay kay Jansen. Mabigat ang buntong-hininga ko nang bumaling sa kanya.

Ngumuso ako at pumasok sa kanyang Civic nang pagbuksan niya ako ng pinto. Pinanood ko siyang umikot papunta sa driver's seat habang kausap si Clark.

"Oo... Magkasama kami ngayon..." mahina kong sagot.

"Can you ask him if he'll come today?"

I rolled my eyes. Bakit ako inuutusan nito?

Nilingon ko si Jansen na minamaniobra na ang sasakyan paalis. Hindi ko na kailangang itanong kung bakit siya nandito. Araw-araw naman siyang nakasunod sa akin.

"Your cousins are looking for you." sabi ko sabay lahad ng phone sa kanya.

"I already told them I won't come."

"Bakit hindi ka pumunta? All of your cousins are going. Wala ka namang gagawin dito."

"I'll stay here. Kasama kita rito."

Pinatay ko agad ang phone nang sabihin niya iyon. Nakita niya ang ginawa ko dahilan ng paghalakhak niya.

Tumulong siya sa feeding program. Pansin ko ang paninitig ng mga tao sa amin lalo na tuwing lalapitan niya ako para kumustahin at alalayan.

Hindi ito ang unang beses na pag-usapan kami ng mga tao. Ilang araw na akong nakakarinig ng tsismis na nanliligaw si Jansen sa akin simula noong mapansin ng mga tao na araw-araw siyang pumupunta sa mansion.

It's not a big deal to me, actually. Sanay na ako na pinag-uusapan kami mula pa noong bata. I just don't like it when they judge us like we're criminals or as if what we've done is worse than everything.

"Ako nang bahala rito. Magpahinga ka muna." ani Jansen nang lapitan niya ako matapos makitang uminom ako ng tubig.

Kinunotan ko siya ng noo at bahagyang natawa. Hindi pa naman ako pagod. Uminom lang ako ng tubig kasi nauuhaw.

"Ilang minuto pa lang akong nakatayo."

"Well you might get tired. Ako na rito,"

Dumaan siya sa likod ko para kunin ang pwesto ko. Naramdaman ko ang marahang pagdampi ng kamay niya sa aking bewang habang pumupunta sa pwesto ko. Nawala rin iyon nang tuluyan siyang makarating sa gilid ko.

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon