Prologue

742 11 2
                                    

Prologue

"Congratulations, graduates!" deklara ng Principal bilang pagtatapos ng programme.

Naghiyawan kami at sabay-sabay na hinagis ang graduation cap na suot namin. Niyakap ko ang mga kaklase habang ang iilan ay naiiyak dahil maghihiwa-hiwalay na kami. From this day on, we will now venture on another chapter of our life, that is college.

I took a lot of pictures with my classmates and friends. Marami rin ang nagpapicture sa akin na mga galing sa ibang years dahil kasabay rin naman ng graduation ang moving up ceremony at awarding para sa mga achievers ng lower years.

"Saan ka magcocollege, An?" Monica asked me. "Susunod ka ba kay Ai sa Manila?"

Nagkibit balikat ako. Hindi pa ako sigurado kung sa Manila mag-aaral pero gusto kong manatili dito sa probinsiya. Plano kong kumuha ng Accountancy o Agribusiness sa isang state university dito sa Pampanga. Depende pa rin sa desisyon nina Papa.

"Not sure but I'll probably study here." ngumiti ako.

Inakbayan ni Josh si Monica habang nakikipag-usap sa akin. "Akala namin susunod ka kay Aianne pati kina Lex. Sa DHVSU ka mag-aaral o sa BulSU? Pasado ka sa dalawa, 'di ba?"

"Yes. Pasado rin ako sa entrance exams sa mga universities sa Manila pero wala sa isip ko ang mag-aral doon. I only considered it because of my cousins. At sa totoo lang, hindi naman talaga dapat mag-aaral si Aianne sa Manila..."

"Uuwi ba siya ngayong summer?" si Jasper na inilingan ko kaagad. "Hindi? Bakit? Last year hindi rin siya umuwi."

"Wala na yatang balak bumalik." tumawa si Keenen.

"Nakakalungkot lang na wala siya dito..." Monica sighed.

"You know what happened." ngumiti ako at hindi na pinahaba pa ang usapan tungkol sa pinsan.

We took pictures until we were called by our parents. May celebration sa mansion at gusto ko silang ayain pero alam kong may kanya-kanya rin silang celebration. Ilang minuto pa kaming nanatili sa school para sa mga bumabati at pictures bago ako sumunod kina Papa sa pag-uwi.

"Thank you." sabi ko sa bodyguard na nagsara ng pintuan pagsakay ko sa sasakyan.

Nauna na sina Papa sa ibang sasakyan. Mabuti nga na nakatakas sila sa mga bumabati. May mga bisita kasing naghihintay na sa mansion.

Even the Siocos who don't always go here were mobbed by the people. Esther invited me to go to their mansion but I don't think I could come now that I heard my family has a lot of visitors. S'yempre kailangan ko ring makihalubilo lalo na't para sa akin ang celebration.

Tama nga ako na maraming bisita sa mansion. Bumaba ako sa sasakyan at agad na bumaling sa akin ang mga tao. Ngumiti ako habang naglalakad papalapit.

Halos lahat yata ng mga bisita ay mga opisyal dito sa probinsiya. May iilang kaibigang pamilya pero mas marami pa rin ang mga kapwa politiko nina Papa. The Siocos are not here, I'm sure they're at their mansion.

Malawak ang lupain ng mansion ng mga Ranillo. Ancestral mansion ito at dito madalas ganapin ang mga malalaking okasyon. May kanya-kanyang bahay ang bawat pamilya maliban sa amin na nakatira dito.

Bunso si Papa sa kanilang tatlong magkakapatid at bukod doon, gusto niya ring samahan ang mga magulang niya lalo na't minsan nang inatake si Lolo dahil sa sakit niya sa puso. My father's siblings have their own houses that are not that far from here but they also have rooms in the mansion.

"Congratulations, Anya!" anang mga bumati sa akin.

"Thank you po." nginitian ko ang bawat bumabati.

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon