Epilogue

375 10 0
                                    

Epilogue

"Nice one, dude." Baste punched me lightly on my arm when I came back.

I smirked and put the tissue on our table. I looked at the lipstick mark on it then to the number written.

Agad na nilabas ni Baste ang phone niya para itipa ang numero. Ganoon din ang ginawa ng iba kong mga kaibigan.

"Mga gago, subukan ninyong itext siya nang sabay-sabay kayo at makakatikim kayo sa'kin."

"Don't be selfish, dude. Share your blessings!" tumawa si Dino.

"Iba talaga si Jansen!" malakas na tumawa si Paulo sabay akbay sa akin.

Siniko ko siya at lumayo. Ngumisi ako at pinasadahan ng daliri ang buhok.

Tinignan ko ang babae sa kabilang table. She smiled flirtatiously at me. I licked my lips while looking at her then I smirked.

So easy. I got her number so easily. No sweat!

"Halatang type din si Jans kaya binigay agad. Kapag niligawan mo 'yan, oo agad!" tumawa si Ken.

I shook my head. Kinuha ko ang baso ng Jack Daniel's at ininom iyon.

"I don't do that, you know." mayabang kong sabi.

"Dude, alam mong sa magpipinsang 'yan, wala sa kanila ang panliligaw. They're the Montellano cousins. Hindi na nila kailangang manligaw." si Romnick.

"Jake did it, though. Nabasted nga lang agad." ngumisi si Kuya sabay tingin sa pinsan.

"Bakit ka kasi nagseryoso?" kantyaw ni Jett.

"Shut up. You don't know anything." malamig na tugon ni Jake at uminom.

Umiling-iling ako. Jake looked hopeless. Mula nang bumalik galing Pampanga, napansin kong nagbago siya. Siguro dahil sa ginawa sa kanya ng babaeng kinababaliwan niya.

"I don't understand, man." Ngumisi ako. "We're still young to be serious with one girl. Baliw na baliw ka sa kanya. Just forget her. Nariyan naman si Elena."

"This fucking asshole. It's not easy to forget." malamig ding sabi ni Baste.

Tumawa ako. "Pareho kayong dalawa. I don't understand, really. There are so many girls out there. You can replace them-"

"Someday you will understand, Jansen." Seryosong tumingin si Bas sa akin. "One day you will understand what I've been saying."

Umiling-iling ako at uminom muli. Here he goes again.

"There's only one girl. Just one girl," aniya na parang nagbabanta. "Only one girl... who will make you go crazy as hell."

Nagtawanan kami. Silang dalawa lang ni Jake ang seryoso. I'm not sure, though. Baka magaling lang magtago ang iba sa amin.

"You will beg... You will beg just to make her stay."

Umismid ako at binato siya ng chips. He's too serious about it.

"I won't beg. Never." I firmly said.

Hindi. Hindi ako magmamakaawa. Lalong hindi ako magpapakabaliw sa isang babae. Sila ang mababaliw. Sila ang magmamakaawa sa akin na huwag ko silang iwan.

Not the other way around. Never. That will never happen.

"Hoy, Jans! Break na ba kayo ni Julia?" salubong ni Nica sa akin. "Ako na naman ang kinukulit!"

"Bawal ang senior high dito," sabi ko at hinila siya palabas ng building namin.

Pinaulanan ko ng mga mura ang mga lalaking pumapansin kay Nica. This girl really is stubborn. Alam naman niyang bawal ang senior high school dito sa college pero pumunta pa rin para lang magtanong?

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon