Chapter 34

167 5 0
                                    

Chapter 34

Hindi ako nakakilos nang mabuti sa kabuuan ng event. Jansen kept looking at me and it's making me uncomfortable.

Sa totoo lang hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkita ulit kami. This is the first time that we saw each other face to face but I sometimes see him in magazines and in some events. Hindi nga lang kami nagkakalapit at nagkakatinginan kaya iba itong pangyayaring ito.

Kung sa mga 'di kasalasang pagkakataon, kaya kong umiwas sa tuwing makikita pa lang siya, ngayon ni hindi ako makaiwas dahil bukod sa nasa iisang event kami, magkalapit pa ang puwesto naming dalawa. Kung malayo lang sana sila, kaya ko pang makalayo kaya lang kitang-kita ko ang panonood niya sa akin.

Atsaka pagdating pa lang namin, nagkatinginan na kami! We noticed each other's presence! Paano ako magiging komportable kung alam kong nariyan siya at nagmamasid?

"Narito na ang mga pinsan mo, Anya." si Mama na sumilip sa kwarto ko.

Pinasadahan ko ng daliri ang buhok at tumango sa kanya. Sinulyapan ko sandali ang sarili sa salamin bago sumunod kay Mama.

I can't stop my heart from jumping as I walked through the hallway towards the dining area. Marami man akong iniisip, 'di pa rin mapigilan ng puso ko na matuwa sa mangyayari ngayong araw.

"Umalis din ang mga Montellano dahil abala sa trabaho," I heard Elliot said. "Susunod din ako sa kanila pagkatapos nito."

Napahinga ako ng maluwag sa narinig habang papalapit sa dining area. Mabuti naman at nang hindi ko na makita pa ulit si Jansen!

"Hi, Anya! Good morning!" kumaway si Esther sa akin nang makarating ako.

Binalewala ko muna ang mga iniisip at maligayang binati ang mga nasa hapag. My heart is happy for what I'm seeing. Both of my families sitting in one long table for breakfast. It's a wonderful sight after all the things that happened between us.

The Ranillos invited the Siocos for today. It is the elders' way of building back their relationship. Matalik na magkaibigan ang dalawang pamilya noon pa, nagkasiraan lang dahil sa mga pagkakamali at eskandalo na nangyari sa mga nakaraang taon.

Nasa kabilang kabisera si Lolo Rafael at sa kabila naman si Lolo Francis. Their wives are seated beside them. My Sioco cousins are sitting beside their parents on the right side of the table while the Ranillos are on the left side.

Medyo nalito pa ako kung saan uupo. Tumabi ako kina Esther dahil doon ang may bakanteng upuan. Sinulyapan ko si Aes na tulala at hindi makasabay sa mga kuwento ni Esther sa amin.

"Ang magical ng engagement nina Jake kagabi, 'no?"

"Pinaghandaan talaga iyon ni Jake." si Clark.

"Well, they deserve it." nagkibit-balikat si Elena. "Jake waited for so long."

Tumango ako. "It's making headlines this morning."

Humagikgik si Esther. "Tayo kaya, kailan? Mukhang ma-eengage na rin si Clarge."

Clarge smirked and didn't talk. Bumaling siya sa kanyang phone.

"Paano kayo ma-eengage kung wala naman kayong boyfriend?" singit ni Romnick.

"Hmm! Malapit na, Kuya!" malakas na tumawa si Esther.

"Bakit? Sasagutin mo na ba?"

"Ako, walang problema. Si Anya ang tanungin mo."

Napatingin ang mga nakarinig sa akin. Hinawi ko ang buhok at tipid na ngumiti. Tinignan ko si Lolo na nakatingin din sa reaksyon ko.

"Wala naman..." sagot ko.

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon