Chapter 11
Matagal pa ang pang-aasar ng matanda bago ito nagpaalam. Panay ang iling ko sa kanya para mawala ang iniisip pero mukhang naniniwala siya sa kanyang sariling hinala. Hinayaan ko na lang iyon hanggang sa nagpaalam siya na ipagluluto pa ng tanghalian ang mga apo niya.
Nanuot sa isipan ko ang emosyonal niyang pasasalamat kanina. Sa mga ganoong pagkakataon, nararamdaman ko na may halaga at may magandang kahihinatnan ang pagtulong namin.
It warms my heart everytime I hear that someone among the people we helped appreciates us. Nakakatuwa at nakaka-inspire na tumulong pa lalo dahil sa kanila.
Mahal kami ng mga tao rito sa Pampanga. Pero s'yempre hindi ibig sabihin noon ay wala nang manghuhusga. There's always been the stereotype or critic that politicians only run for power and we are also being thought as one.
Hindi iyon totoo. Our fathers run for the position to help the people. Nasa dugo na namin ang tumulong at sa tingin ko, kahit wala kami sa posisyon at pulitika, tutulong pa rin kami.
I think it's because we were already taught to help since we were young. Wala ni isa sa amin ang madamot at mapanghusga dahil tinuturo agad sa amin na dapat kaming tumulong sa mga nangangailangan.
Iyon siguro ang nagustuhan ng mga tao sa amin. Natural na sa amin ang tumulong at makipagkapwa tao. It's not forced but it's genuine. It is real. Our intention is pure and true.
Nagpatuloy ang programa at ang pagsasalita ng mga kandidato tungkol sa kanya-kanya nilang mga plataporma. Nasa likod lamang ako ng mga nanonood habang ang mga pinsan ko ay nakikipag-usap na sa mga taga-roon. Ang magpipinsang Montellano ay bumalik sa kinatatayuan nila kanina sa gilid ng court.
Hindi pa kami nag-uusap ni Jansen. He didn't try to talk to me. Siguro dahil hindi siya makasingit kasi laging may kumakausap sa akin, lalo na si Brian. O dahil abala rin siya sa pakikipagtuwaan sa mga bata.
"Hinding-hindi namin kayo bibiguin! Subok na ang serbisyo namin, lalo na ng mga Ranillo..." anang isang kapartido nina Papa.
Nakarinig ako ng tawanan ng mga bata sa gilid. Tinignan ko iyon at nakitang nakikipagtawanan ulit si Jansen sa mga bata. Wala ang mga ito kanina kasi nagkaroon din kami ng tutorials. Mukhang tapos na ang tutorials kaya naglalaro na ngayon.
Jansen tapped one kid's arm then jogged away along with the other kids. Sumali rin sa takbuhan sina Baste at Kaizen na may binubuhat pang mga bata para makatakbo nang mabilis.
Kumunot ang noo ko habang pinapanood silang naglalaro. Tuwang-tuwa ang mga bata lalo na nang mataya si Baste at nagpapanggap itong mabagal tumakbo para hindi sila maabot.
The three cousins are laughing too, looking genuinely enjoying playing with the kids. Kanina pa ako namamangha sa kanila sa pakikitungo nila sa mga tao at ngayong nakikita silang nakikihalubilo sa mga bata, hindi ako makapaniwala na ganito sila.
Ang akala ko, hindi sila makikipag-usap man lang pero sa mga nagdaang araw, nakita ko na marunong silang makitungo. I sometimes hear them listening to the people's stories.
They sympathize with people that I did not expect from them who were born with a golden spoon. I really thought they are spoiled kids who only knows how to party.
Ilang minuto silang naglalaro. Nawala na ang atensyon ko sa mga speech ng mga kandidato at napunta na sa kanila na nagpapatuloy sa paglalaro The kids are laughing so hard I'm sure they're enjoying. Mabuti na lang medyo hindi naman dinig sa mismong programa kaya hindi nakaka-istorbo.
May isang bata na napatingin sa akin. Ngumiti ako at iiwas na sana ng tingin nang magtanong siya.
"Gusto n'yo po bang sumali, Miss Anya?"
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Teen FictionPosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...