Chapter 30

157 5 2
                                    

Chapter 30

I don't know if I heard him right. Pakiramdam ko nabingi ako o nag-iimagine sa narinig. Hindi ako nakapagsalita at napatitig lang sa kanya.

"I'm so tired of girls pushing themselves to me." his eyes pierced through me as he glared. "Let's date so I'll get rid of them. Don't worry, saglit lang 'to. Maybe three months. Kapag tumigil na sila sa kakahabol sa akin."

Hindi na ako makahinga sa paninikip ng dibdib. Gusto niya bang gamitin ako?

"Let's date so I can forgive you."

Suminghap ako. Hindi na ako nag-isip at dahan-dahang tumango.

His eyes raised to form a smirk. Wala na akong makita sa mga mata niya kundi ang nagbabagang galit niya para sa akin.

"Good." Then he left.

Napabuga ako ng mabigat na hininga at napasandal sa dingding nang mawala siya sa paningin ko. Mabilis ang tibok ng puso ko at nanginginig pa rin ang mga kamay.

Alam kong hindi dapat ako pumayag. Hangga't maaari, iniiwasan ko siya dahil dapat na akong lumayo. Nangako ako kay Lolo na hindi na ulit lalapit sa kanya pero malaki ang kasalanan ko kay Jansen.

Malinaw na malinaw ang sakit na nakita ko sa mga mata niya. Ang galit niya, iyon ay dahil sinaktan ko siya. I hurt him that's why he's angry. Gusto kong mapatawad niya ako. Iyon ang dahilan kung bakit ako pumayag sa gusto niya.

Nagsisisi ako sa ginawa ko sa kanya. Sinaktan ko siya. Iniwan ko siya nang walang pasabi. Binitawan ko siya dahil sa konsensya ko sa nangyari kay Lolo.

Sumagi sa isip ko na balak niyang maghiganti kaya niya hiniling ito sa akin. Sa tindi ng sakit na nakita ko sa mga mata niya, maaari ngang iyon ang plano niya pero ayos lang sa akin iyon. It's my fault. His anger... I brought it. I caused it.

I was the one who hurt him. I was the reason why he's angry. I deserve it so I will pay for the pain I've caused.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya sa magdedate kami. Pagkatapos ng araw na 'yon, hindi na ulit kami nagkita. Napaisip tuloy ako kung sinubukan niya lang kung anong magiging reaksyon ko.

"Oo, guwapo siya pero may gusto siya kay-" naputol ang pagkukuwento sa akin ni Esther tungkol sa crush niya nang biglang tumunog ang phone ko.

"I'm sorry, sagutin ko lang 'to." paalam ko sabay sagot sa 'di-kilalang numero na tumatawag. "Hello?"

"Where are you?"

Kumalabog ang dibdib ko. Hindi na kailangang magpakilala ni Jansen. Nakilala ko agad ang boses niya.

"N-Nasa library-"

"I'm outside." sabay patay sa tawag.

Napalunok ako at bumaling sa exit door. Nakita kong nakatayo si Jansen doon. Seryoso ang tingin niya sa akin bago lumayo sa pinto.

Agaran akong tumayo habang inaayos ang mga gamit ko. Sinulyapan ko si Dino na bagong pasok sa library. Sinabi niya kanina na sasabay siya sa amin sa pag-aaral pero kailangan ko nang umalis.

"Saan ka pupunta? Sinong tumawag sa'yo?" nagtatakang tanong ni Esther.

Nagkatinginan kami. Sumulyap siya sa back door sabay balik ng tingin sa akin, may pagdududa na sa mga mata. Umiwas ako ng tingin.

"May pupuntahan lang-"

"Papunta na rito si Dino."

"Aalis na ako, I'm sorry. Mauna na kayong umuwi sa akin."

Tuloy-tuloy ang paglabas ko. Hinanap ko si Jansen at nakitang may kausap siyang babae. Nang matanaw ako, ngumiti siya roon bago ako nilapitan.

"Samahan mo 'kong kumain."

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon