Chapter 10

216 9 0
                                    

Chapter 10

The three Montellano guys continued joining the campaign. Pilit kong binabalewala ang dahilan ni Jansen kung bakit sila sumasama pero kapansin-pansin ang mga ginagawa niya. Kahit sinong babae, inosente man, mararamdaman kung ano talaga ang motibo niya.

Ano kayang iniisip niya? Bakit naman ako ang naisipan niyang pormahan? Yes, I can say na pinopormahan niya ako. Sa pag-add pa lang sa akin sa Facebook kahit hindi pa kami nakakapag-usap kailanman, alam ko na ang balak niya.

At ano pa ang dahilan ng pagkuha niya sa number ko? Ito pa na pagsama sa amin sa kampanya. I don't think they really want to help? Siguro nga gustong tumulong ni Lola Angelina pero pwedeng ang mga tauhan nila ang gumawa no'n.

Bukod pa roon, palagi rin siyang nagtetext para magtanong kung nakauwi na ba ako o nakakain na. Kung hindi niya ako pinopormahan, para saan ang mga ito?

Hindi ko naman minamasama ang ginagawa niya. I don't hate him for that. Wala pa kasi sa isipan ko ang mga ganyan at kung gusto ko na, s'yempre hindi sa lalaking katulad niya na makikipaglaro lang.

Isa pa, hindi ko rin siya gusto. He's just not my type. Idagdag pa na hindi siya gusto ni Lolo.

But I can be casual, of course. Hindi naman ako suplada dahil wala sa pagkatao ko iyon. I grew up loving to talk to people. I was taught to be kind to everyone so it's not that hard to talk to him. Hanggang doon nga lang iyon at hindi na lalagpas pa sa gusto niyang mangyari.

Hindi nakawala sa tingin ko ang tawanan nina Baste at Kaizen sa likod ni Jans habang naglalakad siya palapit sa akin. Kakatapos ko lang mamigay ng fliers at sandaling huminto para magpunas ng pawis.

Nilipat ko ang tingin sa kanya. Nahagip ng mga mata ko ang bote ng tubig na dala niya. Bumaling ulit ako sa kanya.

"Do you want water?" aniya sabay abot sa bote ng tubig na hawak.

Napasulyap ako kay Gabo na dumaan sa likod ni Jansen para lapitan sina Baste. Nakamasid siya sa aming dalawa.

Ngumiti ako kay Jansen at umiling. "No, thanks. I'm not thirsty."

"Pero sobrang init ngayon. Baka mauhaw ka o madehydrate."

Umiling ulit ako, nakangiti pa rin. "I'm fine. Thanks, though."

Bago pa siya makapagpilit, tinalikuran ko na siya. Nilapitan ko ang mga tauhan na kasalukuyang nagpapahinga. Tapos na ang paglilibot namin sa bayan na ito at naghihintay na lang ng oras para maglunch bago umuwi.

"Ma'am Anya, tubig po?" sabay abot ng isa sa mga tauhan ng bottled water sa akin.

Binaba ko ang visor na suot at pinunasan ang kaunting pawis sa aking noo. It's really hot because it's summer. Lalo na nasa Central Luzon kami.

Umupo ako kasama nila at inabot ang tubig. Ngumiti ako.

"Maraming salamat po." sabay inom ng tubig.

I heard faint laughs behind me. Hula kong kina Baste iyon dahil sa boses. Hindi ako lumingon pero hula kong nag-aasaran sila.

Ganoon ang madalas na mangyari sa tuwing sumasama sila sa pangangampanya. Kung iisipin nga, halos buong maghapon kaming magkasama araw-araw.

Mabuti na lang hindi kami masyadong nag-uusap dahil baka may makapansin at malaman ni Lolo. Hindi ko naman din itinatago ang pakikipag-usap sa kanya pero ayaw kong magalit si Lolo at isipin niyang sinusuway ko siya kahit hindi naman.

Bukod sa pag-aalok niya ng tubig, madalas ko pang mapansin ang tingin niya sa akin. Naiilang ako kapag ginagawa niya iyon.

He has expressive eyes, so when he looks at you, you'll think his attention is only yours. Parang nilulubog ka ng titig niya at kinukulong. Parang ikaw lang ang tinititigan.

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon