Chapter 40

253 7 0
                                    

Hi, this is the last chapter of Jans and Anya's love story, Wrapped Around Your Finger (WAYF). I hope you enjoyed it! Thank you so much for giving attention to their love. xRx

-

Chapter 40

"Sina Lex at Aes?" tanong ko nang matantong kulang ang mga pinsan ko.

"May emergency na kailangang puntahan. Nabalitaan na..." hindi na tinuloy ni Esther ang sasabihin nang dumating ang mga Montellano.

Tumango ako at nakuha ang sinasabi niya. Binalingan ko ang pagdating ng mga Montellano sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal ni Mich. Ito ay ang simbahan sa barangay, kung nasaan ang court na madalas pagdausan ng liga at ng mga events.

Katabi ko ang mga pinsan ko, mga Ranillo at Sioco. Nasa mga unahang upuan ang mga Montellano at kamag-anak nina Mich at Rake. Lahat kami hinihintay ang pagdating ng bride.

Mismong araw ng fiesta ang kasal. Sa mga lumipas na araw, abala ang lahat ng mga tao sa paghahanda sa mga importanteng okasyon sa kanya-kanyang buhay.

Naging abala ako sa pagpunta sa mga events kasama si Jansen pati na rin sa pag-aasikaso sa site. Minsan tinutulungan ko rin si Mama sa mga kailangan sa fiesta pati na rin sa paghahanda ng mansion.

May mga bisita nang dumating sa mansion ngayong araw. Umalis lang kami sandali para daluhan itong kasal. Naroon naman ang mga katulong para asikasuhin ang mga bisita. Ang mga bisita lang naman ay halos mga pulitiko at ang iba ay imbitado rin sa kasal.

Elliot and Vlad came home today. Nasa Manila pa rin si Aianne at ayaw pa ring umuwi kahit anong pilit namin. Hindi naman daw siya gaanong close sa ikakasal kaya ayos lang na hindi siya umattend.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga imbitado. It's a large-scale wedding. Halos buong barangay yata ang inimbita ni Rake at hindi pa kasama ang mga kaibigan niya. Mabuti na lang malaki itong simbahan at kayang okupahin ang lahat.

Big families in the country are here, just like what happened in the surprise engagement party of Jake and Gwen. The Versozas, Siocos, Ranillos, Silvestres... and many more. Hindi nga lang kumpleto ang mga miyembro.

"Anya! Nasaan ang boyfriend mo?" isa sa mga kapartido ni Papa na imbitado rin ang nagsalita.

Sandali ko pang hindi naintindihan ang tanong niya. Then I realized she's pertaining to Jansen. Nasa harapan si Jansen kasama ang mga pinsan niya. Gusto niya akong isama sa kanila pero tumanggi ako. S'yempre pamilya lang nila ang nandoon.

"Uh... wala po akong boyfriend."

"Huh? Ano itong usapan ng mga tao na may boyfriend ka raw? Iyong palagi mong kasama? Iyong nagbigay ng bulaklak sa'yo sa stage? Apo ni Madame Angelina iyon, tama?" interesado niyang tanong.

Hindi ko na tinanggi iyon kahit na wala pa kaming pinag-usapan ni Jansen. Iyon nga ang kumakalat sa buong barangay kaya ayaw ko nang pabulaanan. Tutal mukhang papunta rin naman doon...

"Nasa harapan po kasama ang mga pinsan niya,"

"Aba, kailan ba kayo magpapakasal? Mukhang sunod-sunod na ang pagpapakasal ng mga apo ni Madame Angelina. Kayo ba ay susunod na rito kina Rake?"

Tumawa ako. "Hindi po... Mauuna po yata ang iba niyang mga pinsan..."

"Naku, mag-asawa na kayo! Mga matatanda na kayo. Noong ka-edad namin kayo, may mga anak na kami!" tumawa ang matanda.

Nahihiya akong tinignan ng kasama niyang apo at iginiya na papasok ang lola niya. Tipid akong ngumiti sa kanila.

Ilang sandali lang nagsimula na ang ceremony. Unang naglakad ang entourage. Ilan sa mga pinsan ni Mich ang kabilang sa entourage. Kasama rin ang ilang kamag-anak ni Rake.

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon