Chapter 32
Lumabas ako ng library para makawala kay Jansen pero nang lumingon ako, natanaw kong nakasunod na siya sa akin. I saw Clark trying to stop him but he continued walking towards me.
Umiling-iling ako at iritadong hinawi ang buhok bago nagpatuloy sa paglalakad.
My eyes wandered around while thinking where to go. Ganito palagi ang nangyayari sa tuwing nilalapitan ako ni Jansen. Mabuti na lang nakakahanap ako ng mapagtataguan o kaya nand'yan si Dino para palayuin siya.
Kaya lang wala si Dino ngayon at nasa group study!
Matalim kong nilingon si Jansen. Nakasunod pa rin siya sa akin kahit na humalo na ako sa mga nag-uuwiang Tourism students sa field.
Ano na naman ba ang gusto niya? He wants to talk to me? Para ano? Hihingi ba siya ng tawad? O mag-aaway lang kami? Papatawarin niya na ba ako o ipaparamdam niya lang ang galit sa akin?
O narealize niya na ba kung anong ginawa niya sa akin? Did he realize that he'd hurt me? O gusto niya lang akong paglaruan ulit ngayon kaya niya ako kinukulit?
Nasa field pa rin ako at nakahalo sa mga Tourism students nang maabutan niya ako. I gasped when I felt his warm palm held my arm. Marahas ko siyang nilingon.
"Hindi ba sinabi ko nang lumayo ka sa akin?" asik ko sa kanya.
He took a step backward. His lips parted for a while then he swallowed hard. Matalim ko siyang tinitigan habang nagmamakaawa naman ang mga mata niya sa akin.
Nagpatuloy ako sa pagsasalita nang hindi siya sumagot. Siguro hindi niya inasahan ang iritasyon ko.
"I told you to stay away from me. Lumayo ka sa akin dahil hindi kita kilala."
Mariin ang pagkakasabi ko sa bawat salita. Wala akong pakialam kung may mga nakakarinig sa amin. Iritado na ako ngayon at napapangunahan ng galit sa mga pananakit na ginawa niya.
His lips parted. Glints of pain flashed in his eyes but I averted my eyes. Hindi dapat ako naaawa ngayon at nakokonsensya dahil siya dapat iyon. Sinaktan niya ako nang husto. Hindi dapat ako pangunahan ng konsensya.
"I just want to talk to you-"
"Wala na tayong pag-uusapan, Jansen. We're already done." I scoffed. "Nagsimula nga ba tayo? Hindi naman, 'di ba? You were just fooling me."
Umamba siyang magproprotesta pero nagpatuloy pa ako sa pagsasalita. If I let him talk and hear his reason, I might stray from my decisions.
"Hindi na kita kilala ngayon. Were you the person I met last summer? Or is this the real Jansen? Gago ba ang totoong Jansen at nagpapanggap lang ang nakilala ko noong summer?" my tongue stung with my own words.
He's still speechless. I can see the pain in his eyes as I continued talking.
"You fooled me! Pinaniwala mo ako na hindi ka tulad ng mga sinasabi nila tungkol sa'yo. Nakakagulat na itong lalaking kaharap ko... siya pala ang tunay na Jansen."
I gritted my teeth. Binalewala ko ang paninikip ng dibdib.
"Manloloko pala ang tunay na Jansen. Gago. Asshole. Mapanakit!" I looked at him straight in the eyes. "Nagsisisi ako na naniwala ako sa'yo."
Tinalikuran ko siya nang matapos ako. Mabilis ang lakad ko habang kinakabahan at mabilis ang pintig ng puso sa naghahalong sakit at galit.
Nanginig ako nang maabutan niya ako at hawakan muli sa braso para maharap ko siya. Nanlalaki ang mga mata ko sa pagkakataranta.
"Anya!" I saw Dino running towards us.
Agad niyang nilayo si Jansen sa akin. Iritado siyang tinignan ni Jansen. Kanina, nagmamakaawa ang tingin niya, ngayon napalitan na iyon ng galit.
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Teen FictionPosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...