Chapter 27
Wala masyadong nangyari sa unang araw namin sa college. Class orientation at house rules lang ang diniscuss pero nagbanta na ang mga professor na sa mga susunod na araw ay magkakaroon na ng mga assignment at quizzes.
"Do you know if she has a boyfriend?" si Clark sa amin habang naglalakad palabas ng university.
Bumuntong-hininga si Esther. Iritado na 'yan sa pinsan namin kasi kanina pa siya tanong nang tanong tungkol kay Gwen. Mula yata noong nakausap niya 'to, si Gwen na palagi ang bukambibig niya.
"I don't know, Clark. Bakit? May balak ka bang ligawan siya? Allergic 'yon sa playboy!"
Natawa ako. Naranasan na ni Gwen ang mapormahan ng playboy at hindi ko alam kung uulitin niya pa.
Clark is a proud playboy. Mahilig siyang makipag-usap sa mga babae at siguro iyon ang diskarte niya para makakuha ng girlfriend. Matindi rin siya sa paggigirlfriend katulad ng mga Montellano, kaya madalas ding pagalitan ni Lola Vicky pero walang magawa dahil hindi na kami kontrolado.
Kung si Lola Vicky ang masusunod, siguradong nai-reto na si Clark. Mabuti na lang nga na kahit may lahi silang Chinese, hindi na sila sumusunod sa tradisyon dahil wala na rin namang natitirang pamilya si Tita Almira na hindi rin naman tradisyonal.
Humiwalay ako ng sasakyan sa kanila paglabas. Pupuntahan ko pa kasi si Lolo sa ospital. Uuwi sina Mama ngayon para sa trabaho at papalitan ko sila sa pagbabantay.
Sinalubong ako ni Aianne nang makarating ako. Sinulyapan ko si Lolo sa loob ng room kasama si Lola. Hindi ko na naabutan sina Mama. Wala na sila noong dumating ako at nagpaalam na lang sila sa akin sa tawag.
"How's your first day?" ngumisi si Ai sa akin na parang may inaasahan.
"Normal day... Wala namang masyadong ginawa." I sighed.
Umupo kami sa upuan sa labas. Hayaan ko muna si Lola sa loob para mapag-isa sila ni Lolo. Papanoorin ko na lang sila galing dito sa labas.
"Talaga ba? Umuwi na ang mga Montellano, ah? Sa UST rin sila, 'di ba?"
"Hindi mo ba tatanungin si Vlad?" pag-iiba ko ng usapan dahil nakitang may kasamang babae si Vlad kanina.
Binalewala niya ang tanong ko. "Hindi mo nakita ang mga Montellano?"
"Why are you asking? Akala ko ba allergic ka sa kanila?"
"Sa isang tao lang naman ako allergic, Anya." Ngumisi siya sabay hawi sa kanyang buhok. "Sino-sinong nakita mo sa UST?"
Iba ang pinapasukang university ni Aianne kaya nakiki-usyoso siya ngayon, ganoon din si Lex. Sina Elliot at Vlad ang nag-aaral sa UST pero hindi ko sila nakasama ngayong araw dahil kasama nila ang grupo nila.
"Sina Nica at Mich," sumagot na lang ako.
"Sila lang?"
"Bakit? Gusto mo bang makita si Marlon?"
Umasim ang itsura niya. Inirapan niya ako.
"Hindi. I'm just wondering kung sumama ba sa kanila si Jansen."
Kumunot ang noo ko. Hindi na ako nagtanong dahil ayaw ko nang pag-usapan pa siya.
I'm trying to remove him from my mind. As much as possible, I don't want to think about him. Kada maiisip ko siya, naalala ko ang ginawa ko at nababalutan ng pagsisisi at konsensya.
Malaki ang kasalanan na ginawa ko sa kanya. Siguradong galit siya sa akin pero hindi ko kayang talikuran ang pangako ko kay Lolo.
"Paano kung magkita kayo ni Jans? Babalikan mo?"
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Fiksi RemajaPosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...