Chapter 17

154 5 0
                                    

Chapter 17

Malaki ang mansion ng mga Montellano. Kumpara sa mansion namin na may halong disenyo galing sa Spanish-colonial period, ang mansion nila ay moderno. Pamilyar na ako dahil ilang beses na rin akong nakapunta rito.

Malawak din ang lupain na kinatatayuan ng mansion. Nasa gitna ito, sa kanang bahagi ng frontyard ay ang hardin ni Madame Angelina at sa kaliwang bahagi ay ang garahe. Sa likuran ng mansion ang mas malawak na hardin at sa gitna nito ay may malaking gazebo kung saan madalas idinadaos ang mga okasyon ng kanilang pamilya.

Isa-isa kaming umakyat patungo sa portiko ng mansion. Naroon ang kanilang hammock at coffee table.

Pagbukas ng double doors, sinalubong kami ng malaking family picture na nakasabit sa dingding na naghahati sa living area at dining area. Maraming kuwadra pa ang nakasabit sa dingding at nakapalibot sa malaking family picture.

Nagtagal ang titig ko sa kanilang family picture ngayong nakilala na kung sino-sino ang mga nandoon. Bata pa ang mga magpipinsan sa picture at hindi ko masyadong tinitignan dahil hindi ko gaanong kilala ang mga ito nang personal. I realized most of them didn't change.

Tinitigan ko ang batang Jansen na nakatitig sa camera. He's got that arrogant and mischievous look with a side smile. Kung titignan, alam mong gagawa talaga ng kalokohan pero masasabi kong guwapo na nga talaga siya noon pa.

Tumagal ang tingin ko. Napatitig ako sa mga mata niyang diretso ang tingin sa camera na parang sa akin siya nakatingin. His eyes looked warm while staring at the camera as if he's looking straight at me.

Kumalabog ang dibdib ko habang nagtatagal ang mga mata ko sa kanya. Ang tingin niya rito, kapareho ng tingin niya ngayon. Walang nagbago. Pakiramdam mo pa rin sa'yo lang siya nakatingin at walang ibang iniisip kundi ikaw.

I felt like drowning... I felt jailed. Ni hindi ko magawang ilayo ang tingin ko dahil hinihila ako ng mga mata niya.

"Wow, ang laki ng bahay ninyo, Kim!" narinig kong papuri ng isa naming teammate nang makapasok dahilan ng pag-iwas ko ng tingin doon.

Huminga ako ng malalim at inilibot ang tingin sa kabuuan ng sala ng mansion. The whole mansion was painted with the combination of white and gold that made it simple behind its elegance.

Agaw pansin ang pakurbang hagdan ng mansion patungo sa kanilang second floor kung saan matatanaw pa rin ang kabuuan ng unang palapag. The staircase is made of glass balusters and gold railings, its steps are made of marble tiles.

From here on the first floor, I can see multiple doors on the second floor. Hindi pa ako nakakaakyat doon dahil bumibisita lang naman kami pero alam kong naroon ang mga kwarto, library, at study area ng pamilya. May double glass doors din akong nakita na tingin kong papunta sa veranda ng mansion.

"There's the maid quarters, gym, and the hallway towards the backyard." paglalahad ni Kim sa kanilang mansion.

Bumaling kami sa hallway na napapagitnaan ng kanilang restroom at dining area. Patungo iyon sa likuran ng mansion kung nasaan ang gazebo.

"Wala si Marlon?" narinig kong tanong ng isa kong ka-team.

"Wala, nasa orchard pa 'yon. Siguro nandoon din sina Mommy kaya tahimik." sagot ni Kim.

Papunta na kami roon nang makitang kakalabas lang sa kwarto sa second floor si Lola Angelina. Bahagya siyang nagulat at ngumiti nang matanaw kami.

"Oh, nandito pala ang mga kaibigan ninyo." aniya habang bumababa sa hagdan. "Mabuti naman inimbitahan ninyo sila rito."

"Magandang hapon po," bati namin kahit na papalubog na ang araw.

"Magandang hapon din. Kumusta ang championship? I'm sorry hindi ako nakapunta. I had my check-up earlier."

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon