Chapter 22

128 4 0
                                    

Chapter 22

"Bakit kasama ni Tita Rosechelle si Destine dito?" nagtatakang tanong ni Vlad nang makalapit ako sa kanila.

Tumingin kami kay Chad. Chad's mother and Tita Rosechelle's husband are siblings so he probably knows what's going on.

Hindi sumagot ang pinsan namin. Tahimik lang siya at kunot ang noo. It's weird because he didn't answer, I'm sure napag-uusapan nila iyon sa kanila. Hinayaan na namin dahil mukhang private family matter iyon.

Nakakapagtaka lang na sinama ni Tita Rosechelle si Destine dito. Para ano? Bumisita at maki-fiesta? Para saan naman ang narinig ko sa kanya na gusto niyang makausap ang pamilya namin? Atsaka... bakit si Destine lang ang kasama niya?

Hindi ko na inisip iyon. Sumunod ako sa mga pinsan papunta sa mansion ng mga Montellano.

Hindi na kami nagpahatid sa sasakyan dahil malapit lang din naman pero ramdam kong nakasunod ang mga bodyguards namin. Hindi na kami nagreklamo dahil fiesta at maraming tao.

"Come on, bro, bakit ayaw mong sumama?" tumatawang kantyaw ni Lex sa kapatid na kausap sa kanyang phone.

Elli didn't go with us. Kami lang nina Vlad, Chad, Lex, at Gabo. Ayaw sumama ni Elliot kahit anong pilit namin.

"You should move on. Stop being bitter." kantyaw rin ni Vlad.

Nagtatawanan ang dalawa at kinakantyawan si Elli habang naglalakad kami. Tahimik naman si Chad at parang may iniisip. Gabo walked beside me and looked at me.

"Nag-away daw kayo ni Lolo kanina?"

Tumango ako. Naalala ko ulit ang nangyari kanina at pinigilan ang sarili na maiyak.

"Is this about Jansen?"

"I don't want to talk about it right now, Gabo. Baka malaman pa ni Jans."

"You know Lolo's condition, Anya."

Tinignan ko si Gabo sa gilid ng mga mata ko. "Do you want me to leave Jans?"

"Gusto mo bang magalit sa'yo si Lolo?"

Umiling ako. "Ayaw ko pero ayaw ko ring magalit si Jansen sa akin. Ngayon ko lang siya pinagbigyan tapos titigil agad ako? You know Lolo's opinion about them is wrong."

"I agree with you but..." bumuntong-hininga siya at umiling.

"Just this once," sabi ko. "Just this once, Gabo. Ngayong bakasyon lang."

Hindi na rin siya nagsalita dahil nakarating na kami sa mga Montellano. Kumpara sa amin, tahimik ang frontyard nila pero rinig ko ang ingay galing sa kanilang likuran.

"Nasa likod sila," ngumiti si Nanay Selya na mayordoma ng mga Montellano.

"Salamat po." si Gabo at naglakad na kami patungo roon.

Bumaling ang mga bisita sa amin. Dahil gabi na, kakaunti na lang din ang mga bisita nila bukod sa mga kaibigan nilang galing sa Manila. Natanaw ko agad ang grupo nila sa malapit sa gilid ng gazebo.

Lumapit sina Baste, Darren, at Jansen sa amin para salubungin kami. Ngumiti si Jansen sa akin. Iginiya nila kami papunta sa kanilang table.

Nagulat ako nang makitang nandoon si Jake. Mukhang ngayong araw lang dumating dahil hindi ko nakita sa mga pictures na pinost ni Kim kagabi. Akala ko hindi na siya ulit babalik dito pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Gwen.

Nakita kong nandoon din si Elena sa tabi ni Jake na tumayo para lapitan ako. I didn't know she'd come. Kunsabagay, siya nga naman ang girlfriend ni Jake ngayon.

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon