Chapter 4

270 6 0
                                    

Chapter 4

Days passed and Jansen always looks at his phone. Hindi ko sigurado kung ano mismo ang tinitignan niya pero may hinala ako na tungkol iyon sa friend request niya.

One time I checked my notifications and noticed that he removed his request. Then a few minutes later, when I refreshed it, I saw it again. Mukhang niremove niya at nagrequest ulit.

Hindi ko pa rin iyon pinansin. Of course, I follow Lolo's orders. Tama naman ang sinasabi niya na huwag akong makikipaglapit sa kanila. They are dangerous.

Naririnig ko sa mga usapan na lahat ng babaeng nilalapitan nila maliban sa mga kaibigan, pinopormahan nila. I even heard that they even flirted with their friends.

They have a reputation, and a bad image so I understand Lolo. Naiintindihan ko rin sina Mama kung bakit ayaw nilang makipagkaibigan ako sa mga lalaki.

I don't have problems with that anyway. Ayos lang naman sa akin na hindi sila maging kaibigan. Maybe I can be casual but not be close to them. Isa pa, hindi naman talaga kami close dahil hindi naman madalas makahalubilo. Kahit nga si Kim na kabatch ko, hindi ko madalas makausap kaya ayos lang kung hindi ko sila kausapin.

Besides, I have enough friends to talk to. Sa team namin, marami rin naman akong kaibigan na makakausap ko. Hindi ko rin naman iniisip na kailangang makipagkaibigan sa mga lalaki.

Ngumuso ako nang matanaw ulit na sumilip si Jansen sa kanyang phone. Umiwas agad ako ng tingin bago pa siya tumingin sa akin.

"Kanina ka pa tingin nang tingin d'yan? May nangungulit na naman ba sa'yo?" I heard Baste.

Bumaling ulit ako sa kanya na ngayon ay kinukulit ng pinsan. Nag-aayos na sila ng mga gamit dahil tapos na ang practice. Tapos na rin ang volleyball pero hindi pa kami umuuwi dahil hinihintay naming matapos ang practice ni Mich. Kanina pa pinapaulit-ulit ni Homer na maglakad.

Huling araw na ng practice kaya siguro ganito si Homer. Hinawakan niya si Gwen noong sumasali ito sa pageants at mahigpit talaga siya. Lalo na walang experience si Mich sa mga pageant kaya nahirapan siya. Lagi kong naririnig ang frustrations niya noong nakaraang araw.

"Try mo, dude. Iyong kausap natin kahapon." malakas na humalakhak si Baste.

"Shut up, fuck boy."

"Bas, huwag kang magkalat dito sa probinsiya." singit ni Darren nang marinig ang usapan.

"I'm not doing anything! Just flirting through text!"

Narinig ko ang halakhakan nilang magpipinsan. Papalapit na sila sa amin para siguro panoorin din ang practice ni Mich.

"Virgin na 'yang si Baste. Na-virginized ata ni Eula." humalakhak si Kaizen.

"Fuck you, dude. Don't fucking mention her name." seryosong tugon ni Baste dahilan ng panibagong tawanan nila.

"Uh-oh! Sensitive topic!"

Nakangisi pa si Jansen nang mapatingin sa akin sa paglapit nila. Tipid akong ngumiti at agad na bumaling kay Mich na kanina pa rumarampa. Naramdaman kong umupo siya sa likuran ko.

"Hoy, Jans. Tinatanong sa akin ni Gia bakit hindi ka raw nagrereply? Bakit kilala ka niya at may number pa?!" si Kim na nasa likuran.

"Huh? Ewan ko. Binigay siguro nitong gago."

"Talaga ba? Si Baste ang nagbigay? E, ikaw nga raw ang unang nagtext sa kanya?"

Matagal na sumagot si Jansen. Hindi ko makita ang ekspresyon pero naririnig ko ang pabulong niyang suway kay Kim na tumahimik.

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon