Chapter 7
Alam ko kung ano sila. Alam ko ang reputasyon nila. Hindi na dapat ako nagugulat sa mga ganitong pagkakataon pero hindi ko pa rin iyon inaasahan.
Maybe somehow I expected that I'm exempted. Pinsan ako nina Vlad na mga kaibigan nila. Akala ko, hindi ako madadamay sa mga motibo nila.
But then what do I expect? In-add niya nga ako sa Facebook kahit na hindi pa naman kami nagkaka-usap noon. Ni hindi ko nga alam na kilala niya pala ako. We rarely see each other in events. Kung magkakalapit man, hindi namin mapapansin dahil palagi silang may kausap.
So why did he send me a friend request? To be friends with me? For what? I'm sure he has lots of friends already so he doesn't need one more.
It all ends up with his motives. Hindi ako lumaki kasama ang mga playboy na pinsan para hindi malaman ang mga bagay na ganito. Pansin ko ang motibo niya, lalo na noong tinulungan niya ako. At s'yempre pati na ang huling sinabi niya.
Dahil doon, hindi ko na siya binalingan ng tingin hanggang sa umuwi kami. Mabuti na lang tapos na ang pag-uusap nina Gabo at Marlon noong nakabalik kami at wala na rin ang event organizer kaya nakaalis kami kaagad. I never talked to Jansen since then.
"Jansen helped you?" tanong ni Gabo nang ihatid niya ako sa mansion.
Tumango ako. "He volunteered."
Tinignan ko ang reaksyon niya. His brow arched and the side of his lips slightly raised. Pinanliitan ko siya ng mga mata sa kanyang naiisip.
"Magagalit si Lolo kung mapapalapit ka sa kanila, An."
"Hindi ko iyon hahayaan, Gab. Don't worry. Sumusunod ako kay Lolo." Tumawa ako. "Besides, I don't think he's interested."
Lalong umangat ang pagkakataas ng kilay ni Gabo sa aking huling sinabi. Ngumuso ako at hindi na iyon dinagdagan.
"I don't think so..." nagkibit-balikat siya. "Well, it's not a problem, actually. It still depends on your decision. I'm just worried about you, because of their reputation to girls."
Umirap ako at ngumisi. "I told you, Gab. I'm used to playboys. I lived with them, you know."
"Tss..."
Tumawa ako at tinulak na siya para umalis. Madilim na rin kasi at gabi na.
Kinabukasan, maaga ang gising namin para sa kampanya. It's become our daily schedule now. Magpapatuloy ito hanggang sa eleksyon. Sana lang walang mangyari para hindi masira ang plano.
"Saan tayo ngayon?" Chad asked while we're on the road.
"San Fernando." sagot ni Gabo.
"Woah. Sounds tiring." halakhak nito at muling natulog sa balikat ko.
Nanatili ang tingin ko sa aking phone. Nasa biyahe na kami papunta sa bayan na pupuntahan.
I bit my lower lip as I clicked Jansen's profile. Naka-private iyon kaya hindi ko makita ang mga posts niya kung meron man, tanging mga tagged posts lang ang nakikita ko. Napansin kong nag-iba na ang kanyang display picture.
His picture is now a close-up. He's half-naked. Nakasandal siya sa gilid ng swimming pool. Malinaw ang tubig at kitang-kita ang pagkakahulma ng kanyang mga muscles sa dibdin at tiyan. Both of his arms are spread out at the sides of the pool with one hand holding a glass of brown liqour.
Nakatingin siya sa camera. Nahuli ang pagkislap ng kanyang hikaw dahil nasa likod ng kanyang tenga ang kanyang buhok.
He's smirking at the camera. Nanunuya ang tingin habang ang gilid ng labi ay nakaangat.
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Teen FictionPosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...