Chapter 14

188 6 0
                                    

Chapter 14

I don't know why it's a big deal kung pormahan ako ni Jansen. Ramdam ko namang pinopormahan niya ako. I just don't acknowledge it because I have no plans for it.

At sinabi niya namang gusto niyang makipagkaibigan, then that's it. Magiging magkaibigan kami at hanggang doon lang iyon, hindi na hihigit pa.

I still stick to my Lolo's orders. Wala akong balak na suwayin siya, lalo na malapit na ang eleksyon. Besides, the Montellanos will only stay here until the end of summer. Pagkatapos ba dito, ganoon pa rin si Jansen? I'm sure not.

Ganoon pa rin ang tingin ko sa kanila. They are playboys. They act on their haste feelings. Hindi sila seryoso sa relasyon. Maybe some of them but Jansen? He's second to Baste. Hinding-hindi iyon magseseryoso sa isang babae lang.

Another one reason... hindi ko naman siya gusto. He's not my type. He's handsome, yes, but I don't like guys who do not take things seriously. Silang magpipinsan, puro kalokohan ang alam.

Jansen Montellano:

Hi, what are you doing?

Napairap ako nang mabasa na naman ang bagong text ni Jansen. I never replied to any of his texts. Hinihintay ko nga na mainip siya at magsawa.

Binaba ko ang phone ko at binalingan si Lolo na naghahanda sa pag-alis. Balak niyang mamasyal sa mga lupain namin para kumustahin ang mga tauhan. Pinayagan naman siya ni Papa kasi hindi masyadong mainit.

Wala kaming scheduled game ngayon. Hindi na ako pumunta sa court para manood. Napagod kasi ako sa kampanya kanina dahil malaking bayan ang pinuntahan namin at maraming tao.

"Aalis na po tayo?" sabi ko dahil sasamahan ko sila.

Tumango si Lola sa akin. Kasama nila ang kanilang mga nurse. Naghihintay sa labas ang mga bodyguards namin.

Tumayo ako at sumunod sa kanila. Lumapit ako kay Lolo para alalayan siya. Nasa gitna nila akong dalawa.

"Hindi mo naman kami kailangang samahan, hija." si Lolo.

"Gusto kong samahan kayo, Lo. Mag-aalala lang ako."

"Bakit hindi ka pumunta sa court ngayon? Wala bang maghahanap sa'yo?" tanong ni Lola.

Inalalayan ko sila sa pagbaba ng hagdan. Lumapit agad ang mga bodyguards para payungan sila.

"Wala naman. Sino pong maghahanap sa akin?" natawa ako.

"Ang mga kaibigan mo. Sina Kim?"

Sumulyap si Lolo sa amin. Inalalayan siya sa sasakyan.

"Nagsabi naman po ako na hindi na ako manonood. Atsaka hindi naman po kami masyadong nag-uusap."

"Hindi ba kayo close ng mga apo ni Ange?" pagtataka ni Lola.

"Bakit makikipagkaibigan siya, Leona? Hindi naman kailangan. Pasaway ang mga batang iyon." singit ni Lolo.

Natawa kaming dalawa ni Lola. Inalalayan ko siya sa pagsakay at sumunod ako. Hindi ganoon kalayo ang mga taniman namin kaya agad din kaming nakarating.

Sinalubong kami ng mga tauhan na naghihintay. Isinakto namin na break ng mga ito para hindi kami maka-istorbo. Iniabot ng mga bodyguards ang pagkain na dala namin para sa kanila.

"Magandang hapon po, Don!" salubong ng mga tao.

Tumawa si Lolo at maligayang bumati sa kanila. Isa-isa na niyang kinausap ang mga tauhan habang naglalakad-lakad kami.

Nakikinig ako sa usapan nila kasabay si Lola habang iginagala ang tingin sa paligid. Malalawak ang mga lupain ng mga Ranillo. Sa 'di kalayuan, tanaw ang malawak at malaking orchard ng mga Montellano.

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon