Chapter 12

187 6 0
                                    

Chapter 12

"Nice. Good to know." ngumiti ako at lumapit sa bleachers. "Dito na ako."

Umupo ako at hinarap siya na nanatiling nakatayo sa harapan ko. Malapit ako sa baba ng bleachers at hindi naman kami gaanong malayo. Nasa tabi ko ang ibang players ng volleyball team namin na madalas kong kasama.

Pinasadahan niya ng daliri ang kanyang buhok at ngumisi sa akin. His expressive and amused eyes told me that he's thinking something.

"I enjoyed it. And I hope you won't avoid me anymore."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. It's true that I'm avoiding him pero aamin ba ako. Siyempre hindi.

I scoffed as if it's not true. "Bakit naman kita iiwasan?"

Ngumuso siya kahit na naglalaro pa rin ang ngisi sa kanyang labi. Inaamin kong guwapo nga siya lalo na kapag ganito ang ekspresyon. No wonder he had many victims.

"You're avoiding me, Anya." nakangiti niyang sinabi.

"Huh? Hindi naman. What made you think I'm doing that?" I still acted.

He licked his lips and watched me. His lips are still pursed but I can see the smirk behind it. Nakatingin siya sa akin na para bang hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko.

"You are. Ramdam ko, Anya. Iniiwasan mo ako."

Tumawa ako. "Hindi naman-"

"Well it's alright. Maybe I gave you a wrong impression. But I want us to be friends."

Friends. Tama ba ang dinig ko o gumagawa lang ulit siya ng dahilan? Really? Kaibigan ba talaga? Mali ba ako sa mga inisip ko sa mga ginagawa niya, kung ganoon?

Tinitigan ko siya. Humalakhak siya nang mapansin ang nagdududa kong tingin.

"Bawal bang makipagkaibigan sa'yo? Is that why you were avoiding me?"

Kumunot ang noo ko at umiwas ng tingin pero ibinalik din sa kanya ang mga mata. Nakangiti siya sa akin, naghihintay sa isasagot ko.

I don't want him to think that I'm avoiding him. Kahit paano, magkaibigan pa rin ang mga pamilya namin. Ayaw kong magkaroon ng issue sa gitna namin dahil lang sa ganito.

Gusto niyang makipagkaibigan? Totoo ba iyon? O baka naman dahilan niya lang ulit? Naguluhan tuloy ako sa mga naiisip. So when he added me on Facebook and asked for my number, that's because he wants us to be friends?

Mali ba ako ng pagkakakilala sa mga playboy? But Chad and Vladimir add their preys on Facebook so they can hit on them. Was I wrong? O iba lang ang style nitong lalaking 'to?

Inangat niya ang dalawang kilay habang naghihintay pa rin. Ngumuso ako at nagdududa man sa mga sinasabi niya, dahan-dahan akong tumango.

Fine. If that's what he wants. Kung gusto niyang maging magkaibigan kami, ayos lang. Hanggang doon lang. Hindi na dapat hihigit pa.

"Alright... Friends, then. Shall I accept your friend request?" I joked.

Lumaki ang ngisi niya at nagkibit-balikat. "Your choice. It's fine for me now since I already have your number."

Tumaas ang isang kilay ko sa huling sinabi niya. Tumawa siya at ginulo ang buhok. Sumulyap siya sa mga kapwa players na nagkukumpulan na sa tawag ng kanilang coach.

"I'll go now. Tawag na kami ni coach."

Tumango ako. "Good luck."

He nodded too then walked away, still shaking his hair with his hand. Natanaw ko pang nilapitan siya ni Baste at tinulak sabay tawanan nilang dalawa.

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon