Chapter 18

157 4 0
                                    

Chapter 18

Hindi ako nagpakita ng reaksyon. Nakatitig lang ako sa kanya. Bahagyang nakaawang ang bibig ko pero hindi ako nagsalita.

At the back of my mind, I already know it was me who he's talking about. Nagdalawang isip ako nang mapag-usapan ang player na madalas nilang kausap pero nang sagutin niya ang tanong kanina, nakumpirma ko ang hinala ko.

It's not hard to figure it out. Sa friend request at paghingi niya ng number, may hinala na ako. At ngayon, napatunayan ko iyon.

"Gusto sana kitang ligawan. Is it alright?"

I'm sure this is not new to him. But I sensed that he is careful and hesitant when he looked at me.

Idinaan ko sa tawa ang kaba at awkwardness. "Why do you want to court me?"

"Because I like you?" he said as if it's the obvious.

Tinitigan ko siya. His eyes are shaking while staring back at me. Nananantya at nag-aalinlangan. His smile is a bit awkward too.

How is he so sure that he likes me? Hindi na ako nagulat dahil may hinala naman na ako pero sigurado ba siya na iyon nga ang nararamdaman niya. Is he serious about this?

Hindi ako makasagot agad dahil inuunahan ng bilis ng tibok ng puso. Para akong nasa komprontasyon kahit na wala namang dahilan para kabahan.

He's not my type. Ilang beses ko na iyong sinabi. Hindi ko nga siya gaanong pinapansin at kinakausap dahil, bukod sa mahigpit na bilin ni Lolo na huwag akong makikipaglapit sa kanila, wala namang rason para kausapin siya. Besides, I'm not even close to the Montellanos, kahit kay Kim pa.

Another one, wala pa talaga sa isipan ko ang makipagrelasyon. I'm focused on my family and the campaign. Malayo pa sa isipan ko ang magkaroon ng boyfriend lalo na kung makikipaglaro lang at hindi naman seryoso.

"I like you, Anya..." mahina ngunit seryoso niyang ulit.

Dinilaan ko ang pang-ibabang labi. Nagtagal ang titigan namin. Ngayon, diretso at walang pag-aalinlangan na ang tingin niya sa akin kumpara kani-kanina lang.

Kumalabog ang dibdib ko. Pinarte ko ang mga labi ko para makahinga nang maayos.

For more than a month that they are here, I admit that somehow my opinions of them, especially of him, changed. Araw-araw ko siyang nakikita at nakakasama sa kampanya, pati na rin sa liga. Tuluyang nagbago ang tingin ko sa kanila noong nakaraang araw na dumayo sila sa Isabela para mamahagi ng tulong.

They are not spoiled unlike what I thought about them. Hindi puro kalokohan ang nasa isip nila. They know how to relate with people, help them, and get along with them regardless of the status.

At si Jansen... ramdam kong totoo ang pinapakita niya. He's a playboy, yes, and still I believe that he might be playing, but I can feel that he has a genuine heart. Marami nga lang naging girlfriend.

Malapit sa loob ko ang mga taong may pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa. Maybe because that's what I grew up with. It's our core values.

He's definitely not my type, very far from what I like about a guy. But I believe that things change, and during the recent things that happened... I realized that I am somehow attracted. Attracted with his good heart...

I know it's wrong, that I might regret it once he's done but I also want to feel... I want to know what it's like... I want to try. Naalala ko rin ang sinabi ni Aianne.

So I slowly nodded. Wala sa isipan ko ang makipagrelasyon pero gusto kong subukan. It's not my priority right now but I can give it time.

Kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata niya sa ilalim ng ilaw. He showed a big smile then licked his lips to conceal it. Kinagat niya ang labi niya at marahang tumango.

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon