Chapter 3

289 8 0
                                    

Chapter 3

Inubos namin ang mga natitirang araw ng linggong iyon sa pangangampanya. Ilang bayan din ang pinuntanan namin.

Nakakapagod na mag-ikot ikot at maglakad sa init ng araw pero nakakatuwang makipag-usap sa mga tao. Araw-araw may nalalaman akong iba't ibang klase ng pamumuhay at kalagayan nila.

It's really good to meet a lot of different people because they could inspire you. Minsan may matututunan ka pa.

I sighed as I looked at myself through the mirror. Suot ang jersey uniform ng volleyball team noong high school at sports shoes na may tatak ng isang kilalang brand, handa na ako sa practice game. Ngayon ang unang araw at sa Pampanga Colleges ang venue.

"Ngayon ang practice ninyo?" tanong ni Lola Leona pagkababa ko.

Tumango ako at humalik sa mga matatanda tulad ng madalas kong ginagawa kada breakfast. Umupo ako sa madalas na puwesto at kumuha ng pagkain.

Kumpleto kami sa hapag dahil mangangampanya ulit sila maliban sa mga pinsan ko na mukhang mamaya pa darating para sunduin ako. Mamaya pa naman kasi ang practice game. Gusto ko lang sumabay sa breakfast kaya maagang nagising.

"Tulog pa si Chad, Anya." si Tito Ram.

Tumango ako. "Mamaya pa naman po kami aalis. Gusto ko lang sumabay sa pagkain."

"Kasali ba si Gabo sa liga?" tanong ni Lolo.

"Opo." sagot ko.

"Kung ganoon, hindi siya makakasama sa kampanya?"

Tumahimik ako dahil hindi na ako ang dapat na sumagot n'yon. Ngayon ko lang natanto na matatanda pala ang mga kasama ko at hindi ako pwedeng sumali sa usapan. Nagsimula na akong kumain habang nakikinig.

"Hindi, Pa." sagot ni Tito Edgar.

"Sayang kung hindi siya sasama ngayon. Malaki ang Santa Maria at magandang lugar iyon para maipakilala siya."

"Kilala naman ng mga tao si Gabo. Hindi siya mahihirapan kung gustuhin niyang tumakbo."

"Dapat nga nagdesisyon na siya ngayon, kahit konsehal muna."

Tumawa si Tita Mayette. "Papa, hayaan muna natin si Gabo. Bata pa naman siya."

"Atsaka mukhang walang gusto sa mga bata na magpulitika. Tinanong ko si Chad kung naiisip niya pero todo tanggi." si Tito Ram.

"Bakit ayaw nila? They're good at talking with people." si Lola Leona. "Sinabi ni Lucio sa akin na may karisma ang mga anak ninyo sa pakikitungo sa mga tao."

"Matagal pa naman 'yan. Kami muna ang uupo. Hayaan na natin ang mga bata sa gusto nilang gawin." si Papa.

Bumuntong-hininga ako. Mabuti na lang hindi nila gaanong pinapalaki ang usapin tungkol sa mga gusto namin. Mukhang si Gabo ang inaasahan ni Lolo. Kunsabagay, nasa tamang edad na rin kasi siya.

"Sigurado ka bang sasama ka ngayon, Papa?" tanong ni Mama paglipas ng ilang minuto.

"Oo. Hindi naman masyadong mainit. Gusto kong kumustahin ang mga tao roon."

Tahimik lang ako sa buong oras ng breakfast. Masama naman ang sumali sa usapan nila lalo na tungkol sa politika na wala naman akong masyadong alam.

Paalis na sila nang dumating sina Gabo at Vlad. Wala pa rin si Chad na mukhang tulog pa rin hanggang ngayon.

Hindi kasama si Vlad sa liga at manonood lang. Ayaw niya ring sumali kasi may mga araw na luluwas siya sa Manila para puntahan si Aianne.

"Watch over your cousins, Gabo. Pagsabihan mo na mag-ingat at huwag magpapa-injury." si Tita Mayette sa anak.

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon