Chapter 13

179 7 1
                                    

Chapter 13

"Anton, let me fix your polo." narinig kong sinabi ni Mama kaya sandali akong nag-angat ng tingin sa kanila.

Inaayos ni Mama ang damit ni Papa. They are wearing the same color. Si Papa, button down polo shirt habang si Mama naman, ruffled dress.

I smiled as I watched them smile to each other with warmth and gentleness. My parents were arranged to marry but eventually fell in love with each other. I'm lucky to be born from a family that even though it was forced, it eventually became real and genuine.

Matindi ang pagpapahalaga ng mga Sioco sa kanilang pangalan at reputasyon kaya sila ang pumipili sa mapapangasawa ng mga anak para mapunta rin sa magandang pamilya. It's their way of protecting their clean name and reputation.

Although I think my mother's siblings are now less traditional because they let my cousins choose who they want to be with. Ni hindi nga sinusuway si Clark sa kanyang hobby na magpapalit-palit ng girlfriend.

Even Clarge and Aes. Lalo na si Aes na ginagawa ang kung anong gusto niyang gawin. Medyo strict nga lang si Tito Anthony, siguro dahil sa mga kalokohan ni Aes.

Ganoon din ang parents nina Romnick. Though they transferred Romnick here in Pampanga when he was in Grade 12 because their parents can't watch over them because of their growing business.

But they give more liberty to our cousins. Hindi ko lang masabi kung paano sina Lolo at Lola kina Mama pero base sa nangyari noong nakaraang mga taon, istrikto talaga sila at pinapahalagahan ang kanilang paniniwala at tradisyon. Ngayon, s'yempre hindi na sila ang magdedesisyon sa aming magpipinsan pero kahit na ganoon, minsan may mga opinyon pa rin sila.

Binalik ko ang tingin ko sa phone matapos pagmasdan ang mga magulang. I was again looking at Jansen's profile. Nothing's changed, though. I just want to check if he removed his request because he got my number but as I checked it, his request is still in my notifications.

Inisip ko kung ayos lang ba na hindi ko na siya i-accept. I think it doesn't matter to him anymore since he already has my number. But then, ako naman itong medyo kuryoso sa kanyang social life.

I'm not sure if I'll see it through his Facebook profile because I think he's not that active pero may mga tagged photos naman siya. Hindi naman ako masyadong kuryoso pero... I don't know.

Siguro nahihiya lang din ako na sobrang tagal na ng request niya at hindi ko pa inaacknowledge. Iyong sa mga pinsan niya nga na in-add ako recently lang, inaccept ko kaagad. I just want to be fair to him, you know, even though I have particular opinions about him.

Nakanguso ako habang tinatap ang accept button. Agad kong in-off ang app at tumayo na nang marinig ang pagdating ng sasakyan nina Tito.

It's Sunday and we're going to attend the mass. Tuwing Linggo, nagsisimba talaga kami at nag-ooffer sa simbahan. Kahit hindi eleksyon, lagi kaming mahahanap sa simbahan kapag araw ng Linggo.

"Well you still have the Montellanos, at kayo rin." sabi ko sa mga pinsan nang mapag-usapan ang nangyari kay Rake.

Rake was removed from the entire tournament. Hindi na siya makakapaglaro sa lahat ng natitirang games. It's a bad news to the team because the semi-finals is coming close.

Although they have new great players - the Montellano cousins, magagaling din ang mga kalaban nila since mga nag-improve. At s'yempre, Rake is their key player. Alam na niya kung paano maglaro ang mga kalaban dahil taon-taon naman siyang naglalaro. Isa pa, isa siya sa mga inaabangang maglaro dahil magaling nga.

Malaki ang advantage kung kasama siya sa mga maglalaro. Kaya lang, dahil sa nangyari, hindi na siya pwedeng sumali. Sayang na sayang iyon.

"Hindi maaasahan ni coach sina Baste. Mainitin ang ulo ng mga 'yon. Baste always gives out fouls. The rest, naiirita kaagad kapag naagawan ng bola o hindi naipasok ang bola. Si Darren lang itong matino pero naiirita rin kapag iritado na ang mga pinsan." si Chad.

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon