Chapter 8

195 8 1
                                    

Chapter 8

Tahimik ako pagkatapos ng game nila. S'yempre sila pa rin ang panalo dahil varsity players silang lahat.

Jansen kept glancing at me. Nakatingin lang ako sa court na inaayos para sa volleyball games. Hindi ko alam kung uuwi na kami dahil wala naman kaming laro o papanoorin namin ang lahat ng games.

"Ah! Ang guwapo mo, Jansen Montellano!" Kaizen imitated the girls earlier.

Dahil sa ginawa ni Jansen, siya ang naging apple of the eye ng audience kanina. Halos babae pa naman ang mga nanonood at ang nangyari kanina, ikinatuwa nilang lahat.

"Shut up. Muntik na nga iyon."

"Akala ko nga hindi mo iiwasan. That's a bunch of chickas, bro. Pinalagpas mo." humalakhak si Kaizen.

"Kung ako iyon, hihiga pa ako." si Baste dahilan ng tawanan ng lahat.

Ngumuso ako at umiling-iling. Hindi ako nakatingin sa kanila ngunit malapit ang pwesto ko kaya naririnig ko ang usapan. Hinihintay ko na lang sina Gabo sa magiging desisyon nila.

"Hoy, Jans. Tuwang-tuwa iyong si Terry. Pinopormahan mo ba?" narinig ko si Kim nang bumalik sila.

Tumikhim ako. Kinagat ko ang labi at humalukipkip. I'm trying to focus on the next game but their voices are ringing my ears.

"Sinong Terry? I don't even know her. Paano ko popormahan?"

"Niloloko mo ba ako? Siya 'yong nilapitan n'yo kahapon, ah? Kinuha n'yo pa nga number nilang magkakaibigan! Kayo nina Baste!"

"Damn it! Shut up, Kim!"

Tumayo ako nang makitang papalapit sina Gabo sa akin. Nasulyapan ko si Jansen na nakatingin sa akin. Umiwas agad ako ng tingin.

"Uwi na tayo. Gusto mo pa bang manood?"

"Hindi na. Umuwi na tayo para makapagpahinga." sabi ko.

Tumango si Gabo. "Alright. Wait for a while. Kakausapin ko lang si Rake."

"Okay."

Umupo ulit ako para maghintay. Humalukipkip ako at tinuon ang mga mata sa pagsisimula ng volleyball game sa court. Maingay pa rin ang basketball team at ang mga babaeng Montellano sa asaran.

"Uuwi na kayo?" I heard Jansen beside me.

Hindi siya nakaupo sa tabi ko. Nakatayo siya sa aking gilid. Nakapagpalit na ng panibagong shirt pero suot pa rin ang jersey shorts. Inalis na rin niya sa pagkakatali ang kanyang buhok.

"Yes." I nodded.

He licked his lips. I didn't mean to sound cold but it ended up like that. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit ganoon.

"Uh... about earlier..." nananantya niyang sinabi.

"Tungkol saan?" nakahalukipkip kong tanong.

"I didn't ask Terry's number, whoever that is."

Nagtaas ako ng kilay. Bakit naman niya sinasabi ito sa akin?

"Gusto ko lang sabihin. Baka kasi isipin mo na..."

"Isipin ko na?"

He chucked. Hinaplos niya ang kanyang batok habang namumula nang bahagya ang mga tenga.

"Nothing... Just in case."

Ngumiti ako. "Alright."

Minsan napapaisip ako kung bakit ganito si Jansen sa akin. I know there's something but I wonder why... it's me. Ano bang tingin niya sa akin? Maybe because I'm easy to approach?

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon