Chapter 21

134 5 0
                                    

Chapter 21

"Why are you here?" gulantang kong tanong nang makita siyang nakatayo sa labas ng gate.

Tumawa siya at binaba ang phone. Lumapit siya sa akin. Sinulyapan ko ang guard na tahimik na nakaupo sa guard house. Hindi naman siguro siya magsusumbong.

"Hindi nga ako sumama," giit niya.

"Bakit hindi ka sumama?"

"Hindi rin naman ako mag-eenjoy doon."

Kinunotan ko siya ng noo. Ngumisi siya sabay hinawi ang buhok pataas.

"Did I wake you up?" aniya sabay sulyap sa suot ko.

Suminghap ako at nag-init ang pisngi nang matantong naka-pajama na ako. Sumimangot ako. Hindi ko naman inisip na pupunta siya dito! Bakit ba siya pumunta?

"You should've went to the party." pag-iiba ko sa usapan.

"Hindi ako mag-eenjoy,"

"Bakit naman?"

"E, wala ka naman doon."

Nawala ang pagkakakunot ng noo ko sa sinabi niya. The sides of his lips rose to form a smile. Ngumuso ako at binalewala ang pagwawala ng puso.

"Marami kang makikilala doon at maeexperience mo ang party sa probinsiya."

"I still won't enjoy if you weren't there."

"Hindi kasi kami pinapayagan sa mga party sa barangay dahil baka magkagulo. Why are you here, anyway?"

Pinasadahan niya ng daliri ang buhok. His drop earrings shined a bit when hit by the lamp post. Tulad noong hinatid niya ako, naiilawan lang kami ng mga ilaw sa itaas ng gate.

"I just want to see you. Hindi tayo nagkita ngayong maghapon dahil walang kampanya at hindi ka pinayagang pumunta sa party."

"Well we will see each other tomorrow. I'm sure pupunta kayo rito sa mansion."

"We're all going to be busy tomorrow. Narito ang mga kaibigan namin galing Manila. At ikaw, lalong magiging abala dahil may Santacruzan pa."

Tama nga naman siya. Malabong makapagkita kami bukas dahil araw na ng fiesta iyon. Siguradong magiging abala ako sa mga bisita lalo na't may darating na mga artista.

"I just miss you, that's why I'm here..." mahina ngunit klaro niyang sinabi.

Napatingin agad ako sa kanya. Hindi agad ako nakapagsalita sa gulat. Bigla na lang siyang magsasabi ng ganoon!

"W-We'll see each other in the next days," sabi ko habang kumakalabog ang dibdib.

"Can we? I can only see you in the campaign and in the events. After the fiesta, there would be no events anymore. Will you meet me?"

Malakas na kumalabog ang dibdib ko. Para akong sasabog sa tindi ng nararamdaman. I don't know how and when it started but the feelings inside me are overwhelming. Para bang matagal na nakulong at ngayong pinakawalan, tuluyan nang nagwala.

"Of course..." I answered breathily.

Umangat ang gilid ng labi niya. His eyes twinkled again. Pumungay ang mga mata niya habang tinitignan ako.

"I've never been so happy until this, Anya... I never thought I'd feel this. It's... incredible."

Suminghap ako at napahinga ng malalim. Mabilis at malakas pa rin ang kabog ng aking dibdib.

"Thank you for making me feel so much..."

Hindi ko namalayang nakalapit na siya sa akin. Umawang ang bibig ko nang napansing sobrang lapit na namin sa isa't isa. I can already feel his breath over my face.

Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon