Chapter 26
I don't know what to say. This isn't part of my plans. I considered it but I was very sure I won't do it.
Hindi ko inasahan na sa Manila ako pag-aaralin ng magulang. My plan is to study and finish college in Pampanga but I have no choice but to follow. Kahit na ayaw ko, naiintindihan ko ang sitwasyon namin at dapat kong gawin ang gusto nila.
Naging abala kami sa maraming bagay. Habang nasa ospital ang mga Ranillo para bantayan si Lolo, umuwi muna kami nina Mama at Papa sa mga Sioco para puntahan sina Lola at pati na rin ang pagdating ng anak ni Tita Almira.
Hindi ko alam kung paano siya haharapin. I'm not angry, though. Alam kong wala siyang kasalanan. Ang inaalala ko lang ay paano siya ituturing ng pamilya.
Lola Vicky and Lolo Francis are mad. Matindi ang pagpapahalaga nila sa pangalan at reputasyon namin at ngayong nagkaroon sila ng issue, hindi ko alam kung matatanggap ba siya.
Isa pa, ang pamilyang pakikisamahan niya. Paano siya ituturing ng mga ito?
"Do you hate her?" tanong ko kay Clark.
"No. Of course not. Wala naman siyang kasalanan." he sighed. "I'm not sure about Ate. She's furious."
"What about... your mom?" maingat kong tanong.
I saw my cousin swallowed hard. Nandito kami sa veranda habang nasa sala ang buong pamilya. Hinihintay namin ang pagdating nina Tita Almira kasama ang kanyang anak.
"I'm trying to understand her, Anya. But I'm not going to lie, I was angry when I knew. I thought it was only an affair. May naging bunga pala."
I looked at him sympathetically. Hindi lang sina Lex ang nasaktan dito, pati sina Clark. Kitang-kita ko iyon kanina sa ekspresyon ni Clarisse, galit at nasasaktan.
Tinignan ko si Clark. My cousin is handsome. Kasing-edad ko lang siya, maging ang bago niyang kapatid. They're half-Chinese because Tita Almira, Tito Franco's husband is Chinese. Their foreign blood is very evident with their pale white skin and monolid eyes.
Ngayon naintindihan ko na kung bakit maputi at singkit si Destine. She got it from Tita Almira. That is why there's a large gap between her complexion and Rake's. Hindi pala sila tunay na magkapatid.
I wonder what Destine feels right now. Sigurado akong naiipit at nasasaktan siya ngayon. Hindi ko na siya nakita ulit mula noong championship dahil sa dami ng mga nangyari. At ngayon, magkikita kami bilang hindi na kaibigan, magpinsan na.
Pareho kaming napatingin sa gate nang bumukas iyon. Pumasok ang pamilyar na sasakyan nina Tito Franco. They're here.
"Let's go inside," si Clark.
Bumalik kami sa sala. Nakatayo na ang lahat, siguro narinig ang pagdating nina Tita. Everyone's serious. Mariin ang tingin ni Lola Vicky at Clarisse nang dahan-dahang pumasok si Destine.
I saw fear in Destine's eyes. Ramdam kong nalilito siya sa gagawin. She stared at us, smiling a bit but I can see the hesitant in her eyes.
Nginitian ko siya nang magkatinginan kami. I saw her felt relieved.
"Here's my family, Destine. Meet your siblings – Clarisse and Clark." nilahad agad ni Tita Almira ang mga anak.
Tumingin ako kay Clarisse na hindi umalis sa kinatatayuan niya. Nakahalukipkip lang siya at seryosong nakatingin kay Destine. Clark walked towards Destine and greeted her.
Ipinakilala kami isa-isa ni Tita Almira. Hindi na kailangan iyon dahil kilala ko naman si Destine pero pormal pa rin kaming pinakilala. Kahit papaano maayos ang pakikitungo sa kanya, maliban kay Clarisse na hindi siya kinakausap.
BINABASA MO ANG
Wrapped Around Your Finger (Ranillo series #1)
Ficção AdolescentePosted: December 8, 2021 Status: Completed "I won't beg. Never." Iyon ang madalas na sabihin ni Jansen sa mga pinsan sa tuwing sinasabi ng mga ito na darating ang araw na hindi ang mga babae ang magmamakaawa sa kanya. Darating ang araw na siya ang m...