CHAPTER ONE

2K 31 4
                                    

LOVE SPELL © April 2015 ALL RIGHTS RESERVED.

Mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pangongopya ng gawa ng iba. Pwedeng magbasa, mag-comment, mag-vote at mag-share, huwag lang mangopya.

Mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pangongopya ng gawa ng iba. Pwedeng magbasa, mag-comment, mag-vote at mag-share, huwag lang mangopya.

"This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either the products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons (living or dead), events, locales, business establishments or locations is entirely coincidental.

No part of this book may be reproduced, scanned, distributed or transmitted in any form or by any means, electronically or mechanically, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without the permission of the owner/author. Please do not participate in or encourage piracy of copyrighted materials in violation of the author's rights. Thank you for respecting the hard work of this author."

~~~~~****~~~~~

"Ang lalaking magbibigay sa iyo ng isang souvenir na gawa sa kristal sa gabi ng kabilugan ng buwan ang siya mong makakatuluyan at makakasama habang buhay." sabi ng manghuhula habang palipat-lipat ang tingin nito sa kanyang mukha at sa mga barahang nakahanay sa kanyang harapan.

Hmmmm, parang totoo kung manghula ang isang ito, para tuloy gusto ko ng bumilib! Sa isip ay nasambit ni Samantha.

Sa makalawa ay kapistahan na sa kanilang lugar kaya mahigit isang linggo na itong peryahan sa kanilang plasa, sa tabi ng munisipyo. At isang linggo na rin niyang nakikita itong maliit na tent na ito na may malaking karatula sa harap: Madam Priya, the great fortune teller of all time!

Kung bakit naman naintriga sila ng best friend niyang si Kyla na patulan itong manghuhulang ito at pumasok sila sa tent nito. Isandaang piso para sa isang session ng panghuhula gamit ang mga tarot cards kung saan ay pwede kang magtanong ng hanggang dalawang tanong. Limampung piso sa bawa't karagdagang tanong. Kaya kahit maniwala ka o hindi, butas ang bulsa mo.

Si Samantha ay sadyang mahilig sa mga horoscopes, astrology, fortune telling at sa Paranormal Science kung saan lalong tumitindi ang paniniwala niya na hindi lang ang mundo natin ang may mga nilalang na nabubuhay. Naniniwala siya sa mga UFO's at aliens at nangangarap na sana balang araw ay makakita siya ng isang kasing-cute ni ET, yung bida sa isang hollywood film na may kaparehong title.

At heto nga siya ngayong gabi, kasama si Kyla sa loob ng tent ni Madam Priya. Natatawa siyang isipin na mag-aaksaya siya ng isandaang piso para lang sa isang kalokohang hula na tulad nito. Nakatuwaan niya lang alamin sa mga baraha kung sino ang mapapangasawa niya.

"Pangalawang tanong?" nakangiting sabi ni Madam Priya sa kanya.

"Ah, eh, kilala ko na ba ang lalaking yan o makikilala ko pa lang?" tugon niya na may kasamang kislap sa mga mata. Sige na nga, sakyan ko na lang itong manghuhulang ito para naman hindi mahalatang medyo hindi ako naniniwala sa hula niya. Katuwaan lang naman eh.

Binalasa ni Madam Priya ang mga baraha ng nakataob at pinahati sa kanya sa gitna. Muli ay pinakuha siya ng pito gamit ang kanyang kaliwang kamay at inutos nito na ihanay sa harap niya ang mga baraha ng nakatihaya.

"Kilala mo na siya. Kilalang-kilala." Habang titig na titig ito sa mga baraha na nakalatag, matapos ang ilang sandaling pananahimik.

"Maaari bang malaman kung sino siya? Kahit initials man lang ng kanyang pangalan?" tanong niya na may halong curiosity.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon