CHAPTER TWELVE

390 8 0
                                    

"Let's face it, while we are doing this interview and while your TV camera is rolling there, right now, cancer is one of the top causes of death in this world. This place is a beautiful place to live in so each of us deserves to live normally and happily.  These kids with cancer need our help very badly. The future is for the kids. These kids with cancer are no different from any ordinary kid. They all deserve to live and enjoy life. That is why my group of companies support these kids in any which way we can and we have been doing this for the past 15 years, even when my father was still alive."


Tumingin si Luke ng seryoso sa camera habang sinasabi niya sa nagi-interview sa kanya ang mga adhikain ng kanyang foundation na sumusuporta sa mga batang may cancer.


Ilang araw ito matapos ang pinakamasaklap na Halloween, este, Valentine's Day pala, sa buhay ni Samantha. 'Yung Valentine's Day niya na nag-umpisa sa mga agam-agam sa umaga, nagbigay ng sorpresa at pagkabigla, then nagdulot ng kakaibang kaligayahan sa pag-aakalang si Luke ang kanyang mysterious lover boy na nagpadala sa kanya ng sangkatutak na mga white roses para lang magising siya sa katotohanan na ilusyon lang pala iyon at hindi pala si Luke ang nasabing mysterious lover boy dahil pinagalitan pa siya nito dahil sa mga bulaklak na nagkalat sa working area niya. At ang nakakaasar na Valentine's Day na ito ay nagwakas sa short notice na overtime na natapos eksaktong alas dose ng gabi.


Lungkot, galit, sama ng loob, pagod at puyat — iyan ang mga regalong natanggap ni Samantha noong nakaraang Valentine's Day.


Ngayon nga ay narito sa opisina nila ang isa sa mga writers ng Time Magazine para interview-hin si Luke, matapos manghingi ng appointment two days ago. Narito rin ngayong araw na ito ang mga photographers ng isang men's magazine para sa isang mahalagang photo shoot. At narito rin ang host, staff and crew ng isang pang-umagang TV show.


Pinagsabay-sabay ni Samantha ang schedule ng tatlong magkakaibang companies na ito dahil naisip niya na maaari namang pagsabayin at gawin simultaneously. Habang sinu-shoot ang live TV show at iniinterview si Luke ng host ng show ay sabay na rin ang interview ng writer ng Time Magazine. Hitting two birds with one stone, sabi nga nila. Pagkatapos ng TV show at magazine interview ay ang photo shoot naman.


Kasalukuyan silang nasa Penthouse, ang ika-tatlumpung palapag ng building ng kanilang office. Hindi ito open air. Napapalibutan ito ng mga salamin kung kaya't kitang-kita mo ang buong Cavite at karatig-pook. Pag-aari ni Luke ang kauna-unahang high rise building na ito sa bahaging ito ng Cavite.


Ang gwapo-gwapo ni Luke ng araw na iyon at halos nagpupumiglas at nagpupumilit na kumawala sa dibdib ni Samantha ang puso niya sa sobrang paghanga at pagmamahal sa boss niya. Nakaupo si Samantha sa isang sulok at pinanonood ang mga kaganapan at nasa tabi niya ang maleta ni Luke na may mga damit na gagamitin nito sa photo shoot. Ayaw isuot ni Luke ang mga damit galing sa sponsors kaya nagdala siya ng sarili niyang mga damit na puro labeled at branded.


Ang tema ng interview sa magazine at TV show ay tungkol sa mga advocacies ng foundation ng group of companies na pag-aari ni Luke at tatalakayin din ang kanyang mga achievements dahil isa siya sa Top Ten Most Outstanding and Successful Young Businessmen in the Country na pinarangalan kamakailan lang. Mismong ang Presidente pa ng bansa ang nagbigay sa kanya ng award sa isang ceremony na ginanap sa Palasyo.


Syempre pa, proud na proud si Samantha kahit galit na galit pa rin siya dahil sa mga pangyayaring nakakasama ng loob na naiipon sa puso niya.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon