CHAPTER SIXTY NINE

208 6 1
                                    


"Nakaka-irita itong bonet na ito, lintek!" sabi ng babae habang tinatanggal ang itim na bonet na nakatakip sa mukha niya.

Laking gulat ni Samantha ng makita kung sino ito.

"Macy???" ang tanging nasambit ni Samantha sa sobrang pagkabigla.

"Yes, it's me! Surprise! And how are you, my dear Mystic Lady?" tanong nito sa kanya. Tatawa-tawa ito.

Mystic Lady? Nagtatakang tanong ng isip niya. Sounds familiar! Bigla niyang naalala.

"I-Ikaw si M-Mystic Knight?" nanginginig na tanong ni Samantha. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Si Teddy, tapos si Tolitz, at ngayon naman, si Macy na Account Executive sa company nina Philip. Magkakasabwat silang tatlo.

"Oh my God, ikaw si Daniel Padilla?" kahit ninenerbiyos at natatakot ay nakuha pa ni Kyla na itanong iyon.

"At your service, at wala ng iba pa. Madali ka kasing maniwala Ysabel at madali kang magtiwala sa tao kaya napakadali mong lokohin. Akala ko bobo na ako, pero may mas bobo pa pala sa akin. At ikaw yun, Ysabel. Pero kahit bobo ako, matalino ito huyyyy!!!" nagmamalaki pang sabi ni Macy.

"At sino naman sa akala mo si Mystic Knight, aber? Ang lover boy mong si Migz? Masyadong babaero 'yun at sobrang busy sa pambabae kaya wala 'yung panahon na mag-facebook." Dugtong pa nito.

"Ano ang gagawin ninyo sa amin? Bakit ninyo kami dinukot?" tanong ni Kyla.

Akmang pupukpukin ni Teddy ng baril sa ulo si Kyla pero pinigilan ito ni Macy.

"Hep, hep, huwag masyadong mainit ang ulo! Kailangan natin sila ng gising at buhay. Kapag nakuha na natin ang kailangan natin, ibabalato ko na sa inyo ni Tolitz ang dalawang 'yan. Magpakasarap kayo kung gusto ninyo then i-liquidate nyo na 'yan!"

"Kanina pa kasi ako nabubwisit dito sa mahaderang ito eh. Dada ng dada!" galit na sagot ni Teddy.

"Teka, teka, wala sa usapan natin ang ganyan. Ang sabi ninyo holdap for ransom lang ito. Bakit may rape at murder? Aba, aba, out na ako dito. Ayoko niyan!" takot na sabad ni Tolitz. Mukhang hindi ito na-orient ng mabuti sa partisipasyon niya sa krimeng ito.

Bigla itong nagtatakbo palabas ng bahay. Sa gulat ay hindi agad nakapag-react sina Macy at Teddy.

"Ano pa ang tinatayo-tayo mo diyan ha? Habulin mo 'yun, gago!! Hindi pa nakakalayo iyon! Barilin mo kapag nagpumilit tumakas!" sigaw ni Macy. Mukhang nataranta ito at hindi inaasahang magiging ganoon ang reaksiyon ni Tolitz.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig sila ng isang malakas na putok ng baril. Kasunod niyon ay humahangos na pumasok ng bahay si Teddy at seryoso ang mukha.

"Oh ano'ng nangyari? Naitumba mo ba 'yung duwag na iyon? Ilang buwan na tayong nagmi-meeting tungkol dito at kasa-kasama mo sa pananakot dito sa babaeng ito eh tapos ngayon biglang nag-back out ang tarantado!"

"Bossing, nabaril ko. Nakita ko pang natumba eh. Pero hindi ko na pinaputukan ulit kasi baka may makarinig pa ng mga putok ng baril ko at masakote pa tayo dito. Sigurado kong patay na 'yun. Tinamaan ko eh. Kung hindi man, mamamatay na rin 'yun pag naubusan ng dugo."

"Kayo din ba ang madalas sumusunod-sunod sa akin sa parking lot at maging sa loob ng building sa gabi?" tanong ulit ni Samantha.

Nagkatinginan ang dalawa sabay tawa ng malakas.

"Hahahahaha! See, ang bobo mo talaga! Sino pa ba sa akala mo ha? Wala namang pwedeng pumasok na ibang tao sa building ni Migz sa gabi kundi mga empleyado di ba? Sino lang ba ang pwedeng maglabas-pasok doon ng libre kung hindi ang mga janitors at security guards? Bantay sarado nga ang building ng mga security guards at civilian policemen pero naisahan pa rin namin sila! Matalino 'to hoy!" nagmamalaking sagot ni Macy.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon