CHAPTER THIRTY SEVEN

310 9 2
                                    

Kinabukasan...

Magkasunurang dumating ng office nila ang mag-boss na Luke at Samantha. Nauna lang ng ten minutes si Luke. Si Luke ay kadarating lamang galing sa isang client meeting sa Pasig City at si Samantha naman ay kaaakyat lang galing sa canteen. As usual, kasabay niya sa lunch break sina Jacky.

Kasalukuyang inaayos ni Samantha ang mga documents na inilapag ni Luke doon sa desk niya. Leisurely ay binabasa niya isa-isa ang mga iyon para may information siya tungkol sa naganap na meeting na dinaluhan ni Luke kaninang umaga lang.

Nililibang niya ang kanyang sarili bilang paghahanda sa binabalak niyang pagre-resign sa araw na iyon. Buong umaga kasing wala si Luke kaya ngayong hapon, bago siya umuwi ay binabalak niyang kausapin na ito nang masinsinan at ibigay dito ang kanyang handwritten resignation letter.

"Hi, Sam!" bati ng isang baritonong boses ng lalake na dumaan sa harap niya. Dire-derecho itong pumasok sa office ni Luke na tila nagmamadali. Ni hindi nito nakuhang lumingon man lang kay Samantha.

Palibhasa ay busy sa pagbabasa ng mga documents si Samantha kung kaya't di niya napansin kung sino ang lalakeng dumating at ngayon ay nasa loob na ng office ng boss niya.

Hala, sino kaya 'yun? Parang hindi ako na-inform na may darating na visitor ngayong hapon! Nagtatakang tanong ng isip ni Samantha.

Ipinagpatuloy ni Samantha ang sabayang pag-aayos at pagbabasa ng mga dokumento sa kanyang mesa.

"Hello, there, Samantha!" narining niyang bati naman ng isang masayahing boses ng lalake. Nakatayo ito sa harap niya at marahang kinakatok ang kanyang desk.

Pag-angat ng ulo niya para tingnan ang lalakeng nakatayo sa harap niya ay nakita niyang nakangiti ito sa kanya ng ubod tamis. Parang kilala niya ito na parang hindi, pero pamilyar ang mukha nito sa kanya. Parang nakita na niya ito sa kung saan.

"Ahhmm, good morning, sir." Bati niya sa gwapong lalake na nakatayo sa harap niya.

"Ahhh sir,..." dugtong pa niya pero hindi na siya pinatapos nitong makapagsalita at nagmamadali na itong humakbang papasok sa office ni Luke.

"It is okay, Samantha. Your boss is expecting us." Sabi pa nito.

Aba, sino ba ang mga iyon? Wala naman scheduled appointment si Luke this afternoon ah! Hindi man lang sinabi sa akin na may mga hinihintay pala siyang visitors. Malalim na nag-iisip ang isip niya.

Heyyy, take note ha! 'Yang dalawang bagong dating na lalakeng 'yan, napansin mo bang Sam at Samantha ang tawag nila sa iyo? Sino sila? Bakit ka nila tinatawag sa pangalan na iyan? At bakit ka nila kilala? Tanong ng puso niya.

Napatingin bigla si Samantha sa nakasarang pinto ng office ni Luke. 'Yung unang dumating, hindi niya nasulyapan ang mukha. 'Yung pangalawa naman, tumayo pa sa harap niya at nakangiti ng pagkaganda-ganda. Gwapo ito at matikas ang tindig. At higit sa lahat, parang nakita na niya ito. Pilit niyang inaalala kung saan niya nakita ang lalakeng iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Pamilyar sa kanya ang mukhang iyon. Bakit nga ba siya tila kilala ng mga iyon at parang sanay na sanay sila sa pagtawag sa kanya ng pangalan niyang Samantha.

"Sa tindi ng pagkakatitig mo sa pinto ng office ng boss mo, mamaya lang mabubutas na 'yan. Lagpas-lagpasan ang tingin mo eh, parang may x-ray vision! Bakit? Napagalitan ka na naman ba?" Si Philip.

Hindi rin namalayan ni Samantha na dumating ito at ngayon ay nakaupo sa visitor's chair sa harap ng desk niya. Nakatitig ito sa kanya. Biglang napukaw ang kanyang pagmumuni-muni.

"Ay, ikaw pala, Philip. Sorry. May iniisip lang ako. Hindi. Hindi ako napagalitan ng boss ko. May kailangan ka ba sa kanya? Shall I tell him that you're here?"

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon