CHAPTER FIFTY FIVE

209 4 0
                                    

"WHAT are you doing here, baby?" gulat na tanong sa kanya ni Luke ng pagbuksan siya nito ng pinto. Pagkagaling niya sa Tagaytay City ay tinext niya si Luke at napag-alaman niyang nandoon ito ngayon sa ancestral house nito sa Cavite. Alam niya kung saan iyon at dumerecho siya doon.

"Akala ko may sakit ka? Hindi na nga kita tinawagan kasi ayokong maistorbo ang pamamahinga ng baby ko. Look, namamaga pa yata ang mga mata mo sa sama ng pakiramdam. Umiyak ka ba? May masakit ba sa iyo?" niyakap siya ni Luke at hinaplos-haplos pa ang kanyang likod.

"I am ok now, honey. I just want to be with you." sabay yakap niya sa binata ng mahigpit. Sapat na 'yon para mag-alab na naman ang damdamin ng binata sa oras na iyon. Siniil niya ang dalaga ng halik. Mapusok. Malalim. Matagal. Ikinulong niya ito sa kanyang bisig ng mahigpit at tulad ng inaasahan, ang tagpong iyon ay nauwi na naman sa kama ng binata. Malugod na naman nilang pinagsaluhan ang bawa't sandali. Tila sabik na sabik sila sa isa't isa at mamamatay kapag hindi pinakawalan ang nag-uumapaw na init ng damdamin.

Habang sila ay nagtatalik ay tahimik lamang ang puso at isip ni Samantha. Pansamantala niyang nakalimutan ang nadaramang kalungkutan. Ang mahalaga sa kanya ay maipadama niya sa binata kung gaano niya ito kamahal. Halo-halong emosyon ang sa kanya ay lumulukob sa mga sandaling iyon sa bisig ng minamahal. Sa dilim ay tumutulo ang kanyang luha. Luha ng pagmamahal, saya, at lungkot. Lungkot ng kamatayan ng isang pag-ibig.

Malalim na ang gabi ay nakatitig lamang si Samantha sa natutulog na binata. Madaming beses na naman silang nagtalik at ngayon nga ay pagod na pagod itong nakatulog ng mahimbing. Nakaunan pa ito sa kanyang dibdib. Nakatulog ito habang sinisimsim ang tugatog ng kanyang dibdib. Sa ayos at posisyon nito habang payapa at mahimbing na natutulog sa dibdib niya ay mistula itong isang sanggol. Hinalikan niya ang noo at ulo nito. Paulit-ulit. Masuyong mga halik na punung-puno ng pagmamahal. Gumalaw ito at kumawala ang bibig sa tugatog ng dibdib niya at humiga ng patihaya.

Nanatili siyang nakatitig lang sa binata. Kung maaari lang ay nais niyang huminto ang pagtakbo ng oras at manatili na lang sila ni Luke na magkasama habang buhay at pinagsasaluhan ng ganito ang matamis na pag-ibig.

Kinailangan na niyang kumilos hangga't kaya pa niya dahil baka kung magtatagal-tagal pa ay magbabago na ang isip niya. Hangga't may katwiran pang nananaig sa puso at isipan niya.

Hinanap niya sa dilim ang hinubad na underwear ni Luke at dahan-dahang isinuot niya ito dito ng nakabaligtad. Biglang gumalaw si Luke at niyakap siya ng mahigpit. Para bang yumakap sa unan. Maya-maya ay unti-unti siyang kumawala sa mga bisig nito. Hindi siya huminihinga sa takot na baka pati paghinga niya ay maging sanhi ng paggising ng binata.

Binigkas niya ang orasyon na itinuro sa kanya ni Tita Sylvanna. Ang orasyon na kokontra sa gayumang ginawa niya kay Luke. Ang pinakahuling orasyon na babanggitin niya sa buong buhay niya. Pagkatapos nito ay tapos na rin ang lahat.

"Egozum / Egozum /Salvame / kalorkem / aleezamm" tatlong beses niya itong ibinulong sa tenga ng binata habang hinihimas ang dibdib nito.

Biglang dumilat ang mga mata nito at gulat na gulat na nakatingin sa kanya. Titig na titig ito sa kanya.

"My God, Samantha, ano'ng ginawa mo?" tanong ni Luke sa kanya.

Biglang umagos ang mga luha sa mga mata ni Samantha. Nanginginig siya sa takot. Nagbalik na nga sa dati ang lahat. Samantha na ulit ang tawag nito sa kanya.

Hindi na niya pinakinggan pa ang ibang sasabihin ni Luke ngayong gising na ito. Hinubad niya sa daliri niya ang engagement ring at iniwan niya iyon sa ibabaw ng mesa na katabi ng kama.

Nagtatakbo siya palabas ng bahay. Umuulan na naman pala sa labas. Hindi niya alintana ang lakas ng ulan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Ang alam niya ay babalik lang sa dati si Luke na parang walang nangyari. Pero parang galit at confused ito ng magising kanina. Siguro ay nagtataka ito kung bakit nandoon si Samantha sa bahay nila sa ganoong oras ng gabi.

Natakot si Samantha. Takot na takot siya sa maaaring gawin sa kanya ni Luke ngayong naibalik na niya sa dati ang lahat.  Kapag nagkwento dito si Charlene ay malalaman na nito ang mga naganap. Alam ni Samantha na hindi ito matatandaan ni Luke pero hindi siya sigurado sa kung ano ang maaaring maging reaksiyon nito sa kanya. Takot na takot siya at litung-lito. Hindi niya makalimutan ang pagkabigla sa mukha ni Luke matapos niyang sambitin ang huling orasyon na nagtanggal ng gayuma dito. Kasabay ng malakas na ulan ay bumubuhos din ang mga luha niya.

Paglabas niya ng bahay, hindi pa siya nakakalayo sa pagtakbo ay nakasalubong niya ang isang lalake na naka-jacket ng itim at tulad niya ay basang-basa rin ito sa ulan. Sa lakas ng ulan at dilim ng paligid ay hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito. Niyakap siya nito nang mahigpit at kahit nagpupumiglas siya ay hindi siya nito pinakawalan.

~~~~~******~~~~~

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon