CHAPTER TWENTY FOUR

403 11 2
                                    

"Ang sakit ng ulo ko, Kai. Parang binibiyak sa sobrang sakit!" Reklamo ni Samantha.


Nakahiga siya sa kama niya at may hawak na ice bag at nakapatong iyon sa noo niya.


Kinabukasan iyon matapos ang madrama at maaksiyon na engkwentro nina Luke at Samantha sa bachelor's pad ng binatang boss. Bukod sa halos hatinggabi na siya nakauwi ay hindi na siya nakatulog hanggang sa mga oras na iyon na dumating si Kyla galing sa zumba class nito. Masyado siyang nabagabag sa mga kaganapan ng nagdaang gabi at hindi niya iyon makalimutan. Galit na galit pa rin siya hanggang sa mga oras na ito, na lalong nagpapasakit ng matindi sa ulo niya.


Kinuwento niya kay Kyla ang mga pangyayari at maski ito ay hindi rin makapaniwala sa mga narinig na kwento ni Samantha.


"Grabe naman, girl. Parang hindi ako makapaniwala. Si Luke ba talaga 'yang kinukwento mo o ibang tao? Baka naman product lang 'yan ng wild imagination mo?" nanlalaki ang mga mata ni Kyla sa pagkabigla.


"Kung ikaw hindi makapaniwala, eh di lalo na ako. Hindi ko matanggap na naisahan ako dun sa contract na pinirmahan ko. Kung bakit naman kasi hindi ko muna binasa bago ko pinirmahan!" inis na sabi ni Samantha. Napakislot ito sa biglang daloy ng panibagong sakit ng ulo.


"Yun pa ang isa. Bakit nga ba naging careless ka sa employment contract mo ha? Hindi mo ba talaga nabasa na ibang klaseng employment contract ang sinasang-ayunan mo? O baka naman 'yan ang talagang gusto mo? Ang matali kay Luke forever and ever, kahit empleyado lang." nanunuksong sabi ni Kyla.


Hinagis ni Samantha kay Kyla ang nahawakan niyang unan. Tawa ng tawa si Kyla.


"Wala nga sa hinagap ko na may ganoong klaseng contract. Infinity, forever achu-chu-chu! Hindi ko tuloy alam ngayon kung ano ba ang napasukan kong sitwasyon. Parang ang hirap malusutan."


"Alam mo, girl, kung talagang ayaw mo na, pwede ka naman kumalas diyan sa kontratang 'yan eh. Idemanda mo. Para kasing feel ko na-harrass ka."


"'Yun nga ang problema eh. Walang harassment na naganap. 'Yang contract na 'yan nagtagal pa sa akin bago ko pinirmahan. Kung hindi pa nag-follow up si Jacky eh hindi ko pa maibabalik sa kanila ang contract with my signature."


"So, that only means na napakadaming time and chances na pumalag ka or kumontra kaya, kung....kung....kung nabasa mo ang contract! Kaso, hindi nga ganoon ang nangyari. Hay naku tanga lang ang peg!"


"At eto pa, Kai ha. Kaninang lunch time, tinawagan ko si Jacky at tinanong ko kung siya ba ang nag-type ng employment contract ko. Alam mo, sabi niya, hindi daw siya ang nag-type. Hindi rin daw si Ma'm Helen. Alam mo kung sino? Si Luke daw ang nag-draft ng contract at ito mismo ang nag-type ng final copy. Hindi daw nagdaan sa kanilang office ang contract ko. Na kay Luke daw ang 201 File ko at ito ang nagtatago."


"Wow, girl, you must be someone special, para siya mismo ang magtago ng personal file mo."


"Maybe he is just keeping an eye on me kasi nga gusto niyang gumanti sa sinasabi niyang ginawa ko daw sa kanya for the last twelve years! Would you believe that? Ako pa pala ang may kasalanan kung kaya't galit na galit siya sa akin! Hindi ko daw siya hinintay. May boyfriend daw ako."

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon