CHAPTER EIGHT

379 8 0
                                    

Si Charlene ay dumating sa buhay ni Luke five years ago. Business with pleasure ang dahilan kung bakit si Luke ay nasa America that time at isang araw ay nasa mall siya, bumibili ng perfume para sa mommy niya. Naalala niyang mahilig sa perfume ang mommy niya at gusto niya itong sorpresahin sa iuuwi niyang perfume para dito. 

Kasalukuyan siyang nandun sa counter ng tindahan ng perfume at umaamoy-amoy ng mga perfume.  Mababango lahat ang naaamoy niya. Sari-saring amoy. Naaaliw ang sales lady na tingnan siya kasi each time na may perfume siyang aamuyin ay nalulukot ang mukha niya na lalo lang dumadagdag sa kagwapuhan niya. Hindi naman sa nasasangsangan siya sa amoy, kundi ayaw lang talaga niya ng sobrang mabango.

"Excuse me Miss, can you please help me with this? I am finding it hard to get a nice perfume for a beautiful woman." Finally ay humingi na siya ng tulong sa sales lady na mukhang Mexican.

"Is this Lancome Tresor good? Or CK One? But this Gucci smells good too. And I also like this JhourDhermes set. How about this Jadore Labsolu by Christian Dior?" naguguluhan niyang tanong sa sales lady. Mababango lahat at wala siyang mapili.

"Oh, let's see. How old is your girlfriend? What is her favorite scent? Is it floral, fruity, musky, what? If you know that, you can easily choose". Lalo lang nagpagulo sa kanya ang sagot ng sales lady.

"She is not my girlfriend. She is my mom. I want to buy her a nice perfume."

"For mothers, something floral would be nice." Sabi ng sales lady.

Hay naku, ang gulo kausap ng sales lady na ito. Naisip niya. Siguro wala masyadong bumibili dito kasi halos wala siyang mai-recommend na maganda. Hindi ako magtataka kung bukas or sa makalawa, wala ng trabaho ito dito. Nginitian na lang niya ang sales lady.

"Oh, not all mothers look like mothers. And not all mothers are old women. Why recommend something floral? It should be something sweet and fruity, separately or a combination of both!" sabad ng isang magandang tinig sa likuran ni Luke.

Nagulat siya ng lingunin niya ito. Wow! Isang napakaganda at seksing babae ang pinanggalingan ng magandang boses na iyon! Nakatitig ito sa kanya habang nakangiti. May pagka-hazel brown ang kulay ng mata ng babae na nagsalita.

"You know, if I were you, I will buy all of those perfume you just mentioned." Nakangiti pa ring sabi nito sa kanya.

Hindi nakapagsalita si Luke sa pagkabigla sa sobrang ganda at pagka-friendly ng babaeng kaharap niya.

"Mababango naman lahat yan. If it is for your mom, then she deserves only the best.  At lahat yang pinagpipilian mo ay the best! Huwag mo na tingnan ang price tutal mukhang kaya mo naman bilhin lahat yan."

"Marunong ka mag-tagalog? Filipina ka?" sa wakas ay nagising siya sa pagka-tulala.

"Oo naman."

"Paano mo nalaman na Filipino ako? Sabi nila, hindi daw ako mukhang tipikal na Pinoy."

"Instinct..."

At magmula nga ng araw na iyon, matapos niyang bilhin lahat ng pabango na pinagpipilian niya ay palagi na silang magkasama ni Charlene. Twenty one years old si Charlene noon.  Masyado itong modern at liberated.  Nag-iisang anak ng sikat na mag-asawang lawyers sa Pilipinas. Nagbabakasyon itong mag-isa sa America ng panahon na iyon.  Kung noong mga unang araw niya sa America ay nalulungkot si Luke at naho-home sick, nang makilala niya si Charlene ay naging masaya at exciting ang tatlong buwang pagbabakasyon niya doon. Isang linggo pa lang silang nagkakilala ay lumipat na agad si Charlene sa tinitirhang flat ni Luke doon na binili ng parents nito para sa kanya.  Sa paglipat ni Charlene sa kanyang flat ay lalong naging mas exciting ang bawa't sandali.

Hindi na humiwalay sa kanya si Charlene kahit noong bumalik na siya sa Pilipinas. Pinakilala niya ito sa mga parents niya at wala naman silang kontra dito.  Sa tuwina ay lagi na niya itong kasama sa lahat ng mga lakad niya, ipinapakilala sa lahat na girlfriend niya.  Hindi naman niya ito niligawan kung tutuusin.  Basta naging sila na lang paggising nilang magkatabi isang umaga.  Komportable sila sa kanilang relasyon.  Kailangan niya si Charlene sa mga gabing malamig at siya naman ay kailangan ni Charlene sa buhay nito na parang trophy na pinangangalandakan sa alta sociedad.  May boyfriend na siya na anytime niya gustong makapiling ay nandoon, at may pang-display pa siya, bagay na kinaiinggitan sa kanya ng lahat ng mga kababaihan sa kanilang mundo.

Ang mundong tinutukoy na ginagalawan nina Luke at Charlene ay ang mundo ng mga business tycoons, kung saan ang mga ninuno pa lang ay ipinanganak ng may hawak na gintong kutsara. Born with a golden spoon, sabi nga nila.  At maging ang mga kaapu-apuhan ay hindi na maghihirap dahil sadyang pati ang hinihigaan nila ay punung-puno ng pera.  Ang mga taong tulad nila ang tinatawag na may mga fountain of money sa kanilang bakuran.

At si Luke ang pinakabatang business tycoon sa kanilang lahat.  Maaga siyang isinabak ng ama sa negosyo nila at madalas siya noong ipadala ng ama sa ibang bansa para mag-training.  Palibhasa ay matalino si Luke kaya madali niyang natutunan ang pasikut-sikot ng kanilang mga negosyo na lubha pang lumalago sa paglakad ng mga taon.  Nang pumanaw ang kanyang ama kamakailan ay ipinamana sa kanya ang kanilang mga negosyo at mga ari-arian dito at sa labas ng bansa.

Hindi na nakapagtataka na si Luke ay pinag-aagawan ng mga babae sa mundo ng mga milyonaryo.  Lahat ay nangangarap na maging boyfriend siya.  Maging ang mga magulang ng mga family friends nila ay nangangarap na maging girlfriend ni Luke ang kanilang mga anak na dalaga.  Sabi ng mga kababaihang nangangarap kay Luke, okay lang na pagsabay-sabayin sila ni Luke basta maging boyfriend lang nila ito. Karamihan din sa kanila ay nangangarap na mapangasawa si Luke.

Magmula sa pagka-teenager ni Luke hanggang sa siya ay mag-edad beinte singko, wala siyang naging girlfriend.  Hindi siya interesadong makipagkilala kahit kanino at sa wari ay wala siyang hilig sa babae. Hindi siya nakipag-date kahit minsan, kahit kaninong babae.  Eskwela - bahay - opisina - bahay ang naging agos ng buhay niya.

"Honey, baka naman gustong mag-pari ng anak natin kaya up to now, wala pa siyang nagiging girlfriend." concerned na sabi ng mama ni Luke sa papa niya noong araw na nabubuhay pa ito.

"Hon, hindi naman siguro, kasi focused siya sa mga negosyo natin eh.  Kung balak niya mag-pari, eh di sana hindi na yan magpapakahirap pa mag-training here and abroad para sa mga business natin". Confident naman na sagot ng papa niya noon.

"Hindi kaya...hindi kaya...???" ang bitin na sabi ng mama niya.

"Bakla ang anak natin?" dinugtungan ng papa niya ang sinasabi ng mama niya.

"Hindi nga kaya bakla ang anak natin?"

"Hmmmmm....although wala naman akong nakikitang signs...pero baka nga ano?" nangingiting sagot ng papa niya.

"Eh honey, papaano yan kung ang ating unico hijo ay isang bakla pala? Paano na yan?"

"Aba, di ipagpapagawa ko siya ng mga magaganda at malalaking beauty parlors para kalabanin ang mga beauty parlors ni Ricky Reyes!" biglang napahalakhak ng malakas ang papa niya.

"Puro ka talaga kalokohan, honey. Serious ang topic na ito at hindi pwedeng ipag-walang bahala lang, tapos tatawa-tawa ka lang diyan. Nagagawa mo pang magbiro!" Malambing na hinampas ng mama ni Luke ang papa niya.  Sabay silang napatahimik at sa mga isip nila ay naglalaro ang mga sari-saring imahinasyon.

Ang mga agam-agam at eksenang ganoon ay naputol lamang noong araw na inuwi ni Luke sa bahay nila si Charlene at ipinakilalang girlfriend niya.  Sa kanilang kaligayahan ay tinanggap nila ng buung-buo si Charlene bilang miyembro na ng pamilya nila.  Nakahinga sila ng maluwag at napatunayan nilang hindi pala bakla ang nag-iisa nilang anak.  At sa wakas ay matutupad na rin ang pangarap nilang magkaroon agad ng apo.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon