CHAPTER FIFTY EIGHT

237 5 1
                                    

"So, may iniwan palang contact details si Luke kay Empoy noon at nagbilin pa siya na sabihin sa akin na tawagan siya or sulatan siya. All these years, akala ko ni hindi man lang siya nag-effort na makipag-communicate with me. Pero bakit kaya hindi nakarating sa akin ang message ni Luke, pati na rin ang kapirasong papel na may contact details niya na iniwan niya kay Empoy?" nagtatakang tanong ni Samantha kay Philip.

Sa mga oras na iyon ay malakas pa din ang ulan sa labas at nakakadalawang mugs na sila ng kape.

Nagkibit-balikat lang si Philip sa tanong ni Samantha.

"At saka alam mo, all these years din, kahit bumibili ako sa tindahan nina Empoy ay wala naman itong nababanggit tungkol kay Luke at sa contact details na iniwan niya para sa akin."

"Siguro naiwala nung bata. Siyempre bata 'yun. Hindi pa 'yun maaasahan sa mga ganoong responsibilidad. Baka naglaro tapos nawala na sa isip niya kung saan niya nailagay yung papel. I guess, that's what exactly happened."

"Granted na naiwala ni Empoy 'yung papel, bakit hindi man lang siya gumawa ng paraan para makipag-communicate sa akin? Hindi man lang ba siya nagtaka na hindi ako tumatawag sa kanya or sumusulat man lang? Wala siyang ginawang paraan man lang? Ganun na lang ba 'yun?"

"That, I cannot answer for him. Siya lang ang nakakaalam ng sagot sa tanong mo. Maybe he has his reasons."

Natahimik bigla si Samantha. Naisip niya na napakaraming taon ang lumipas na hindi sila nagkita ni Luke or nagkausap man lang. Nagkahiwalay sila ng maraming taon ng walang komunikasyon sa isa't isa. At iyon ay dahil lamang sa isang kapirasong papel na hindi naibigay sa kanya ng isang batang paslit. Ang tadhana nga naman!

Naisip din niya na siguro noon pa man ay nagpaparamdam na ang tadhana sa kanya na hindi talaga sila magkakatuluyan ni Luke. Mukhang noon pa man ay pinipigilan na sila ng pagkakataon at sadyang pinaghiwalay ng panahon.

"Ikaw pala 'yung ipinagmamalaki niyang lady love niya. Akalain mo, noong gabing nasa restaurant kami sa Makati, that night na nandoon din kayo, noon ko lang nalaman ang lahat. Pagkaalis kasi ninyo ay nagkwento si Miggy sa amin. Nalasing eh. Naglasing pala. Nagselos dun sa kasama mong guy na panay ang yakap sa iyo. And to think na noong una pa lang ay alam na nina Jordan ang tungkol sa iyo pero ako walang kaalam-alam. I don't know kung nasaang planeta ba ako during those times." Iiling-iling ang ulo ni Philip.

"What? Do you mean to say na kilala na ako nung dalawa nyo pang best friends?" nagtataka na namang tanong ni Samantha.

"Yes. Nawala ka nga kasi sa range ng radar ni Luke for 12 years kaya ng dumating si Charlene sa buhay niya ay okay lang sa amin. Although sina Jordan at Raymond ay hinayang na hinayang sa iyo. Gusto ka nila para kay Miggy. Ayaw nila kay Charlene. Seven years ago ay nakita ka na nila ng personal, sabi nila."

"Huh? How? Where?" nagulantang si Samantha sa narinig.

"That's one of the revelations. Ganito kasi 'yon..."

Revelation #2

Limang taon na namalagi sa America ang pamilya ni Luke. Hindi sila nakauwi sa Pilipinas dahil sa malubhang karamdaman ng Lola Caring niya. Hindi nagtagal ay namayapa din ang matanda, labis na dinamdam ito ni Luke.

Sa ikalimang taon nila sa America ay eksakto namang ika-labing walong taong gulang ni Samantha. Nabalitaan ni Luke na may Debut Party para sa dalaga na gaganapin sa isa sa mga five star hotels sa Makati.

Nang mga panahong iyon ay nawalan na talaga ng communication sina Luke at Samantha. Inaasahan ni Luke na susulatan siya ni Samantha or tatawagan man lang sa phone, pero hindi nangyari ang ganoon, na labis niyang ipinagtaka. Naniniwala siya na naibigay ni Empoy sa dalaga ang address at phone number na iniwan niya, pati na rin ang message niya na tawagan siya or sulatan siya. Pero lumipas nga ang mga panahon at ang pagtawag at pagsulat mula kay Samantha ay hindi nangyari.

LOVE SPELL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon